TARLACQUEÑOS SOLID SA PLATAPORMA NG BAGONG PILIPINAS PARTY LIST# 146

SALUDO ang mga Tarlacqueño sa plataporma de gobyerno na ipaglilingkod ng BAGONG PILIPINAS PARTYIST #146 pagdating sa 20th Congress ng Mababang Kapulungan.

PEOPLE* PLACES* EVENTS

Danny Simon

2/7/20251 min read

SALUDO ang mga Tarlacqueño sa plataporma de gobyerno na ipaglilingkod ng BAGONG PILIPINAS PARTYIST #146 pagdating sa 20th Congress ng Mababang Kapulungan.

Oportunidad sa trabaho at kabuhayan tungo sa bagong PILIPINAS ang battlecry ng naturang partido para sa Pilipino.

Sa liderato nina first nominee Atty. Alfred F. Bayan, CPA,MPSA (dating DILG Undersecretary) at business icon / civic leader Ronniel Mascarinas Manumbale, nominee at iba pa, ipa-prayoridad nila ang naturang plataporma upang agad na maimplementa kapag nahalal ang kanilang Bagong Pilipinas Party List #146 sa paparating na national midterm elections sa Mayo 12, 2025.

Ang BAGONG PILIPINAS PARTY LIST #146 ayon sa pulso ng mamamayan ang kinikilalang tunay na makapagkaloob ng taal na serbisyo sa bayan di lamang sa Tarlac kundi sa buong kapuluan na maseserbisyuhan sa bisa ng mandato mula sa milyun-milyong Pilipinong boboto sa Mayo ng numero 146!

Sa kanilang mga naisagawa nang outreach program sa kanayunan at kalunsuran sa mga nakalipas na taon, napagtanto nina dating Department of Interior and Local Government Usec for Mindanao Affairs and Special Concerns na si Atty. Bayan at matagumpay na negosyanteng si Manumbale sa pinaka -epektibong paglilingkod partikular iyong mga nasa marginalized sector ng lipunan, ang pagkakaloob ng matagalang tulong tulad ng maturuan ang kanilang nasasakupan ng pagkakataong maging produktibo at lakip ng komprehensibong trabaho na magpapagaan at sasagana ang buhay ng Pilipino

Ang naging papel ni Bayan sa kanyang panunungkulan para sa kapakanan ng mga Kapatid na Muslim at iba pang sekta sa bansa upang matuto lahat sila ng aspeto kung paano mabubay nang may asenso sa giya na rin ng BAGONG PILIPINAS PARTY LIST #146 na kanila na ring pinalawig bukod sa Mindanao ay pati na sa Luzon at Visayas.