IN GOD WE TRUST

Tatakbo bang presidente si Mayor Leni Robredo? Si BBM kaya ay tumakbong bise presidente o ibang position?

Sa ngayon ay malayong segunda si Mayor Leni kay VP SARA base sa lahat ng survey sa pagkapangulo.

ATTY. ARIEL INTON

7/24/20261 min read

Sa ngayon ay malayong segunda si Mayor Leni kay VP SARA base sa lahat ng survey sa pagkapangulo. Maliban kay Mayor Leni ay milya milya ang layo ng voters preference pag itinatapat mo ang mga katulad nila Sen. Riza Hontiveros, Dating Speaker Martin Romualdez at iba pa. Pag asa lamang ng mga ito ay kung ma impeach si VP SARA at ma disqualify na sa pag hold ng any public office.

Pag acquitted si VP SARA malamang ay mananatiling Mayor si Leni sa Naga city . Kung may lumabang iba ay dehadong dehado na ito. Siguro ang isa sa mga Tulfo brothers ay tatakbo.

Kung sakaling ma convict si VP SARA asahan na ang dami ng tatakbong presidente. Mas madali ng kumbinsihin si Mayor Leni at isa sa mga Tulfo. Yun hahaliling vice president na pipiliin ni BBM sure din na hindi makokontentong bise presidente yun at marahil ay tumakbong presidente. Sa kabilang panig ay puede ilaban ang isa sa kaptid ni VP SARA o si Sen. Bong Go. Ibig sabihin mas maraming tatakbong presidente pag convicted si VP SARA.

Kaya naman todo todo ang ginagawang paninira ng mga kalaban ni VP SARA dahil kung pagbabasehan ang latest surveys ay tila walang epekto ang impeachment trial sa mga botante . Sa kabilang panig naman ay bumubulusok pababa ang trust rating ni BBM. Isang option ni PBBM ay tumakbong bise presidente para matulungan ang kandidatong lalaban kay VP SARA at para hindi siya maging lame duck president.

Kayat ang impeachment trial ay hindi lang ebidensya pinaguusapan kung hindi isang patagong " presidential campaign" .

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...