TAYTAY ARKI - 521 TRADING, TITO REX WAGI SA SINAG LAKAS KWARENTA
NAGSIPAGWAGI ang mga koponang 521 Trading, Inc. Tito Rex Firewire at Taytay ARKI Project sa pagpapatuloy ng elimination round ng Sinag Liga Lakas Kwarenta kamakalawa sa One Center Gym sa Cainta.
SPORTS
Danny Simon
11/12/20231 min read


NAGSIPAGWAGI ang mga koponang 521 Trading, Inc. Tito Rex Firewire at Taytay ARKI Project sa pagpapatuloy ng elimination round ng Sinag Liga Lakas Kwarenta kamakalawa sa One Center Gym sa Cainta.
Kumamada ng game high 35 puntos at 7 assists ang best player of the game na si Edrick Ferrer katuwang si Alfie Martinez na may 26 upang daigin ang Ball Up AWF, 99-86.
Tinatakan ng talo ng Taytay Arki G Project ang Tatak Jel Binan ,98-85 sa pangunguna nina Manuel Jimenez at Derrick Hubalde na may produksyon na 23 at 20 pts ayon sa pagkakasunod.
Sa nightcap ng torneong inorganisa ng Sinag Liga Asya sa pamumuno ni Chairman Rocky Chan, President Ray Alao at Commissioner Rodney Santos, patuloy ang pamamayagpag ng Tito Rex matapos gapiin ang IGT, 77-70
Taytay Arki G Project team sa Sinag Lakas @ 40. (Menchie Salazar)
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato