TEAM APIONG ,TAN, VANDOLPH AT TGP PANALO ANG TAGA- PARAÑAQUE

DAAN-daang Parañaqueños mula Distrito 1 at 2 ang nabahaginan ng Aid for Individual Crisis Situation Program ( AICS)sa ginanap na humanitarian mission kamakalawa sa covered court ng INA Homes sa Parañaque City.

PEOPLE* PLACES* EVENTS

Danny Simon

3/17/20241 min read

DAAN-daang Parañaqueños mula Distrito 1 at 2 ang nabahaginan ng Aid for Individual Crisis Situation Program ( AICS)sa ginanap na humanitarian mission kamakalawa sa covered court ng INA Homes sa Parañaque City.

Nagsanib- puwersa sina City Councilors Raffy ' Apiong' Dela Peña,Allen Tan at Vandolph Quizon upang matagumpay na maisagawa ang programa ng TGP Party List sa pamumuno ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves,Jr.( kapatirang Tau Gamma Phi).

" Taos- puso po ang ating pasasalamat sa TGP Party List partikular kay Cong Teves, Jr. sa lingkod na ipinagkaloob sa ating mga naging beneficiaries dito sa Lungsod Parañaque gayundin sa kinatawan nito na si Sir Iso Marasigan sa walang sawang pag-asiste sa amin at maging sa mga sugo ng DSWD",pahayag ni Coun.Apiong na ang misyon ay Serbisyong Balik sa Tao.

" Mithiin namin ang magkaroon pa ng mas maraming proyekto ang maisakatuparan dito sa lungsod upang higit na maitulong natin sa mahal nating Parañaqueños," sang-ayon nina Coun.Tan at Coun.Quizon.

Sinabi pa ni "Apiong" na ang kanilang adhikain na tuluy-tuloy na paglilingkod sa kanilang constituents na bahagi ng kanyang flagship na serbisyong balik sa taga- Parañaque.