TEAM COACH TAM & VOLUNTEERS, SERBISYO SA PAETE RAIN OR SHINE

WALANG puknat ang pamamahagi ng serbisyo ng Team Pink ni Coach Johnny Tam sa mahal niyang kababayan sa Paete, Laguna.

PEOPLE* PLACES* EVENTS

Danny Simon

9/7/20242 min read

WALANG puknat ang pamamahagi ng serbisyo ng Team Pink ni Coach Johnny Tam sa mahal niyang kababayan sa Paete, Laguna.

Rain or shine ay teamwork ang koponan ng kilalalang public servant par excellence nasa poder man o sa pribadong kapasidad ay tinutupad ang kanyang adbokasiya sa komunidad sa panahon ng emergency o kalamidad.

Pabigas para sa Senior Citizens.

Smart TV para sa PTODA

Ayuda para sa mga binaha sa Paete.

Tamang serbisyo ni Tam sa tag-ulan.

"Naihatid na po natin ang nakayanang tulong sa ating mga kababayan na binaha po dulot ng Bagyong Enteng muli maraming salamat po sa Teampink Volunteers mula noong pandemic at ilan bagyo na ang dumaan lagi pa ring narito sila upang magserbisyo para sa ating mga kababayan partikular sina Jhoy Reyteran, Ayin Rańa, Juvy Pillas, Eddie Boy San Rafael, Josh Marci Claridad, Janice Caguin, Macky Tam, Lyka Llmado, Mutya Yumang, Matchino Viray Basa Guevincan, kagawad Andrew Rebong.

Ka Bert Cura, Ka Lita Baldemor, salamat po ng Marami at lagi po tayong Mag iingat #Teampink" wika ni sportsman / public servant Johnny Tam.

May pabigas din ang Team Johny Tam sa mga senior citizen ng Paete at namahagi ng kinkailangang tulong sa mga binaha dulot ng nakaraang bagyong Enteng at ang naturang mga reach out program ni Tam ay nagiging realidad sa tulong ng mga may ginintuang puso sa kapwa tulad nina Gen. Noel Estanislao, Simeon Quido,Johnny Sy, Robert Sy, Federal Tyres, James Lao, Jimmy Dy, Daniel Uy, Jeff Lan, Raffy Alejandro,Robert Sison, Sherwin Choi, Ruddy Tan, William Castro at Philippine Airlines Director David Ong.

Nagkaloob din ang Team Johnny Tam ng 32 inches Smart TV sa terminal ibaba ng PTODA na pinamumunuan ni Rodolfo Elca sa pamamagitan ni Kapitan Peping Capco.