IN GOD WE TRUST
TEAM PH SA ASIAD LABAN PA!
NASA kalagitnaan na ng mga bakbakan sa best sports spectacle sa kontinente ng Asia na Aichi Nagoya Asian Games 2026 sa Japan.
SPORTS
ni Marlon Manalo
9/28/20261 min read


NASA kalagitnaan na ng mga bakbakan sa best sports spectacle sa kontinente ng Asia na Aichi Nagoya Asian Games 2026 sa Japan.
As usual dominante ng higante ang paghakot ng medalya sa pangunguna ng China na sinundan ng Japan at South Korea sa top 3.
Bumubuntot ang mga 'istan nations na Kazakhstan at Uzbekistan na mga dating Russian Republics.
Our very own Philippines ay may 2 golds na kortesiya ni prized gymnast best bet Carlos Yulo pero pwede pang madagdagan ito sa ibang disciplines kung saan ay malakas ang Pilipinas.
Nag-ambag din ng silver medals ang Gilas women's 3x3 basketball at Jean Claude Sacdal sa mixed martial arts traditional habang bronze ang naiuwi ni Carlos Alvarez sa MMA,Marie June Adriano sa karate,Philippine Karate team women's kata at Philippine women's soft tennis team.
Gold medal hopeful din sina pole vaulter EJ Obiena ng athletics at Alex Eala sa tennis singles at doubles at iba pa na sosorpresa ng medalya para sa Pilipinas.
Ating suportahan at i- cheer ang pambansang atleta natin.Laban Pilipinas!
Bilang dating naging national player sa international billiards and snooker at nakapagbigay na ng karangalan sa bansa,dama ko ang pressure at challenge na makapagdeliver para sa bayan.
Iba kasi pag may bandila ng Pilipinas sa ating dibdib kaya todo bigay ang lakas,talino,liksi at gilas tuwing haharap at makikipagtunggali sa ibang lahi.
Best of luck MARVELOUS TEAM PHILIPPINES..MABUHAY!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
