TEAM PINK NI TAM ANG TEAM TO BEAT SA PAETE

SA lalawigan ng Laguna. Mala-piyesta ang kapaligiran sa filing ng CoC kamakailan ng mga kandidato sa bayan partikular sa Paete magmula sa incumbent, nagtatangkang bumalik at unang pagtatangka sa mga posisyon na iisa ang layon, ang mamuno sa Paete at iukit ang legasiya ng kanilang pagiging lingkod-bayan.

OPINION

Danny Simon

10/22/20242 min read

SA lalawigan ng Laguna. Mala-piyesta ang kapaligiran sa filing ng CoC kamakailan ng mga kandidato sa bayan partikular sa Paete magmula sa incumbent, nagtatangkang bumalik at unang pagtatangka sa mga posisyon na iisa ang layon, ang mamuno sa Paete at iukit ang legasiya ng kanilang pagiging lingkod-bayan.

Sa mga partidong naghain ng kanilang wagas na layunin, ang Team Pink ng NUP ang siyang pinaka- masigabo ang salubong ng mamamayang nais ng pagbabago sa kanilang bayan ng Paete na dapat ay matagal nang asensado at progresibong Munisipalidad sa lalawigan ng Laguna.

Ang Team Pink na pinamumunuan ni Coach Johnny Tam - kandidato para Mayor ng Paete ang anila ay kasagutan sa matagal nang hangad na progreso ng Paete kung kaya ang kanyang koponan ay sinalubong ng mga Paeteño ng mala-musikang hiyawan, tunog ng tambol na ready to rumble at palakpakang masigabo sa harapan ng gusali ng Paete COMELEC upang makahabol sa takdang deadline ng filing ng Certificate of Candidacy.

Katuwang ni Mayorable Johny Tam sa Team Pink sina para Bise Alkalde Kap.Peping Capco at Konsehales na sina Robert Agbay, Albert Pagalanan,Viray Guivencan, Leandro Salceda, Mhedz Caidic, Joel Fadul at MJ Cadayona sa agapay nina Bokal Rei Ann San Luis,Bokal Kenneth Ragaza, Cong.Atty. Tony Carolino at Vice Gov. Gem Amante sa payong ni Gov. Dan Fernandez.

" Fight tayo para sa asenso ng bayan ng Paete. Panahon na.. JT at Team Pink na!", sigaw ni Mayoralty best bet Johny Tam ng Team Pink at sambayanan sa Paete.

Ang team Pink ang siyang koponan ni Congressional bet Con. Atty Carolino na umagapay mula parada, programa hanggang paghain ng kandidatura gayundin si BM Ragaza.

"Team Pink is the team to beat here in Paete. Completo recados mula Mayor, Vice hanggang Konsehales. With Coach Tam to lead the race, wika nga eh..tapos na ang bakbakan!", pahayag ni Cong. Carolino.

Si Coach Tam ay dating varsity player noong kanyang school days, naging coach ng Laguna Lakers sa MBL, Air21 sa PBA hanggang maging national basketball tea m coach bago napokus sa pagiging public servant sa kanyang bayan.

Sa kasalukuyan ay abala ang koponan sa kanilang nakagisnan me eleksyon man o araw na pangkaraniwan. Iyan ang tunay na number wan sa kababayan...ABANGAN!

Team Pink sa Paete, Laguna