TENA 'MATES SA PPS-PALES 1ST GRAND ALUMNI HOMECOMING 2023
SA kauna- unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Paludpud Primary School (PPS) at Paludpud Elementary School (PALES) ay gaganapin ang pinakamalaking pagtitipon ng magkaka- eskwela mula pa noong dekada saisenta ('60's) at ito ay idaraos sa covered court ng Bgy. Paludpud sa La Paz, Tarlac.
PEOPLE* PLACES* EVENTS
Danny Simon
12/6/20232 min read


SA kauna- unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Paludpud Primary School (PPS) at Paludpud Elementary School (PALES) ay gaganapin ang pinakamalaking pagtitipon ng magkaka-
eskwela mula pa noong dekada saisenta ('60's) at ito ay idaraos sa covered court ng Bgy. Paludpud sa La Paz, Tarlac.
Ang PPS-PALES 1st Grand Alumni Homecoming 2023 na isang plano pa lang noon pero ngayon ay isa nang realidad na magkikitang - muli, magkaka-
daupang-palad at makakahuntahan ang mga kaklase at ka-escuela tungkol sa mga di malilimutang mga kaganapan noong mag-aaral o pupil pa lamang ng 'unique' na paaralan sa Paludpud
(Primary School pa lang noon hanggang Grade IV) kalaunan ay elementarya na (Grade VI).
Dahil sa pagkakaisa (pamisasan-metung) at pagmamahalan (pamikakalugud) ng lahat ng naging produkto ng eskwelahan na tatak nang di mabubura kailanman bilang isang mag-aaral ng mahal na lunduyang Paludpud.
Sa paglipas ng panahon at paglagas ng mga dahon ng kalendaryo noon at ngayon, may kani-kaniyang direksiyon ang mga mag-aaral ng paaralang payak pero lumikha ng mga indibidwal na may natatanging husay sa mga aspetong di lang pang-lokal kundi sa nasyunal na eksena hanggang sa internasyunal na larangan.
May mga nagpasyang di iwanan ang nakagisnan at sa Paludpud na ibinuhos ang kaalaman na naging matagumpay sa sariling lunduyan.
Saan man nakarating at anuman ang naabot o nagpasiyang manatili ay iisang
layunin ng reyunyon at 'homecoming' - ang nakaraang magkaka-
panahon sa pagsunog ng kilay at pagpanday ng kaalaman hinubog noon nina guro Pablacio , maestra Dugay atbp. ay bahagi na ng tagumpay sa bawat buhay.
'Reconnect (kumunektang muli), reunite (muling magkabuklod) and reminisce' (sariwain ang mga nakaraang pinagsamahan) ang tema ng makabuluhang kaganapang pinagsikapang tuparin ng mga aktibo at konsernado sa ikatatagumpay ng adhikain pasimuno ang SPTA Officers sa pangunguna ni teacher Margarita Cabrera (Grade VI Adviser) at organisadores ng bawat batch ng PPS - PALES.
Wala nang kasing-alab ang damdaming muling makasalamuha ang mga naging kaklase na magkakatipon sa iisang okasyon at lunang direksyon.
"It is a fact that the class having grown apart, the friendship remains and you can still connect with them like the old times", punto de vista ng mga reyunyonista.
Sa mga kaklaseng higit limang dekada na, pagsaluhan ang ginintuang pagkakaibigan at pagyamanin ang higit kalahating siglong alaalang napakasigla hanggang sa kasalukuyang patunay lang na time is GOLD!
Tara lets na sa PPS -PALES.
Queng daratang a petsa-otso ning Disyembre, ybalik taya, namnaman at ganakan ing alang ‘angganang LUGUD quing quekatamung akagisnang PALUDPUD!'
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato