IN GOD WE TRUST

THE BEST 'TING' THAT EVER HAPPENED TO PH PINGPONG

KAMBAL na international table tennis events ang ihahataw ng Philippine Table Tennis Federation,Inc. sa pamumuno ni Ting 'Hotponger Ledesma na ihu- host ng Puerto Princesa City ( Palawan)sa liderato ni Mayor Lucilo Bayron at suportado ng Philippine Sports Commission sa timon ni Chairman Patrick ' Pato Gregorio sa susunod na buwan ng Setyembre.

SPORTS

DANNY SIMON

8/12/20262 min read

KAMBAL na international table tennis events ang ihahataw ng Philippine Table Tennis Federation,Inc. sa pamumuno ni Ting 'Hotponger Ledesma na ihu- host ng Puerto Princesa City ( Palawan)sa liderato ni Mayor Lucilo Bayron at suportado ng Philippine Sports Commission sa timon ni Chairman Patrick ' Pato Gregorio sa susunod na buwan ng Setyembre.

Higit sa 600 entries mula 20 bansa ang magpapakitang- gilas sa larangan ng pingpong sa magkasunod na torneong World Table Tennis Youth Contender Series na raratsada sa Setyembre 3-6 at susundan ng World Table Tennis Feeder Series mula Setyembre 8 hanggang 12 sa Edward S.Hagedorn Coliseum.

Ang dalawang sunod na torneo ay may 20 bansang kalahok na kung saan ang Pilipinas ang siyang may pinaka- maraming entries na 60 kabilang na ang national team member na si Kheith Rhynne Cruz at mga pambato ng Puerto Princesa City.

"Malaking tulong ang mag-host ng international event dito sa ating bansa.Una, ma- minimize natin ang gastos at the sama time ay makakalaban ng mga bata ang mga world class players", pahayag ni PTTFI president Ledesma sa PSA Forum nitong Martes sa PSC Media Room.

Iniimbitahan ni Puerto Princesa Executive Assistant / City Sports Administrator Atty.Gregorio Austria ang lahat ng sports enthusiasts na saksihan ang kambal na prestihiyosong kaganapan sa larangan ng table tennis upang personal na maranasan din ng lokal at dayuhang turista ang yumi,warm hospitality at katiwasayan ng lungsod na ipinagmamalaki ang pagsulong ng sports tourism sa siyudad na kaagapay din ang PSC at ng LGU.

Si Daniel Deleniana na board member ng PTTFI ang siyang competition manager ng tuoneong lalahukan ng Australia ,Bahrain,Brunei,Canada,Germany,Hongkong,Indonesia,India,Italy,Japan,Korea,Malaysia,Netherland Taipeh,Oman,Slovakia,Maldives Singapore,USA at ng Pilipinas.

Tena sa Puerto Princesa ni 'Mayor EnBAYRONmentalist at saksihan pa ang tunay na pagsulong ng larong pingpong sa timon ni Hotponger ' Da best 'TING' that ever happened to Ph Table Tennis' Ledesma...MISMO!!!

LOWCUT: Shoutout sa ating kaisport na si RJ Rodriguez LAGAN diyan sa Palawan.Siya lang naman ang nagtatag ng sports devopment program na BATANG ATLETA at pinuno ng powerhouse West Philippine Sea( WPS) Dragonboat Team. Basta Sports..LABAN si LAGAN!!

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...