IN GOD WE TRUST

TIGER RUN '26 SA UST GROUNDS HAHATAW NGAYONG TAG-ARAW

TAKBO na ang lahat ng sistema para sa dambuhalang kaganapang TIGER RUN '26 ngayong tag-araw.

SPORTS

Ni Danny Simon

3/11/20261 min read

TAKBO na ang lahat ng sistema para sa dambuhalang kaganapang TIGER RUN '26 ngayong tag-araw.

Lalarga ang lahat ng stripe runners sa fun,fitness at competitive division ng patakbong kakaripas sa campus ng University of Santo Tomas sa pagputok ng starting gun 4:00 ng madaling-araw ng Abril 28 ng taon.

Ang taunang karipasan ng mga tigreng entusyastiko sa footrace ay suportado ng Masiv Sports at Batang Atleta Association ayon sa isa sa may timon sa karera na si Rj Rodriguez Lagan.

Sa regular participants ay aarangkada sa 5k,3k at 10k gayundin sa division ng UST Students na may lakip na taginting na papremyong salapi.

" It's time to lace up and experience the University of Santo Tomas event like never before.Join us for a morning of fitness and school spirit as we take over the campus grounds", wika ni Lagan , founding head ng Batang Atleta Association.

Bawat partisipante ay pagkakalooban ng Race Kit , Finisher Medal, Eco Bag at premyong salapi sa male/ female top 3 at champion sa 10k run.