IN GOD WE TRUST

Tinakbong 2,557 km., sisiw lang.. RUN PA MORE MOMMY DONEZA!

PINATUNAYAN ng 64-anyos na woman long distance runner na di pa gaanong balakid ang edad upang umukit ng kasaysayan sa bansa nang kanyang karipasin ang kabuuang 2,557 kilometro.

SPORTS

ni Danny Simon

10/19/20261 min read

PINATUNAYAN ng 64-anyos na woman long distance runner na di pa gaanong balakid ang edad upang umukit ng kasaysayan sa bansa nang kanyang karipasin ang kabuuang 2,557 kilometro. Matapos takbuhin ng tubong Batangas City na si Marlene Gomez Doneza ang super-haba na ruta na nagtapos sa Pagudpud, Ilocos Norte.

Sa pamamagitan ng Trans Pilipinas Endurance Run. Nagsimulang takbuhin ng tinaguriang Running Inay ang magmula Mindanao sa General Santos City, South Cotabato hanggang sa tinapos na niya sa Pagudpud, Ilocos Norte.

Umabot ng halos 58 araw ang kanyang advocacy run na bawat araw ay tinatakbo niya ang average na 43 kilometro upang makumpleto ang layuning matakbo ang mula dulo ng Mindanao hanggang sa dulong bahagi ng Ilocos Norte.

Sinalubong siya ng galak at pagpupugay, ginawaran ng medalya at isang bouquet na bulaklak ng mga kinatawan ng Munisipalidad ng Pagudpud habang kaagapay ang Kabalikat Civicom sa pag-alalay sa kanya bago makarating sa finish line.

Makasaysayan ang adbokasiyang ito ni 'Running Inay' at maituturing na unang Filipina senior citizen ultramarathoner na nagtagumpay na tahakin ang Mindanao-Luzon route.

Una niyang natakbo noong 2025 ang mula Sorsogon hanggang Ilocos Norte sa habang 1,400 km sa loob ng 36 na araw.

Run Mommy Doneza, Run!

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...

Your message goes here