IN GOD WE TRUST

TINAWAG LANG NA FIXING THE TERM PERO ANG TUNAY NA DAHILAN AY PAGPAPALIBAN NG HALALAN !

Ipinasa na ng House of Representatives at ng Senado sa pangalawang pagbasa ang panukalang gawin limang taon ang termino ng barangay at sk officials at "incidentally " ay ma move ang November 2 2026 elections sa 2028 pa!

OPINION

ATTY. ARIEL INTON

9/10/20261 min read

Ipinasa na ng House of Representatives at ng Senado sa pangalawang pagbasa ang panukalang gawin limang taon ang termino ng barangay at sk officials at "incidentally " ay ma move ang November 2 2026 elections sa 2028 pa!

Bagamat mas marami ang nais matuloy ang eleksyon ay mas pinaboran ng mas nakakaraming mambabatas at panatiliin sa puesto ang mga kasalukuyang nanunungkulan. Pero sigurado na ba na walang magaganap na halalan ngayong November 2 2026 ?

Magkakaroon ng Bicameral Conference Committee ang House at Senate to reconcile conflicting version kung meroon man.

Tapos ay i transmit sa Malacan̈ang ang final version o enrolled bill. Ang presidente ay maaring pirmahan, veto o pa lapse niya into law ang panukala. Tapos it will take effect 15 days after publication.

So pipirmahan kaya ni BBM?

At kung sakaling pirmahan at may mag challenge sa Korte Suprema kung ang batas ba ay labag sa Saligang Batas at nakakuha ng restraining order laban sa pag inplement then tuloy ang eleksyon.

Sabi ni Atty. Romulo Macalintal ay preparado na siya i challenge ang batas sa Korte kung sakali ngang pumasa.

Samantala, ay hindi alam ng mga tao kung ano ang mangyayari. May eleksyon ba o wala?

Para sa tao ba talaga ang pag fix ng term ng mga barangay at sk? O mas may malalim at madilim na dahilan kung bakit marami sa mga kongresman ang bumoto pabor dito.

SANA AY MA VETO ITO NI PRESIDENTE. O KAYA NAMAN PIGILAN NG KORTE SUPREMA SA BALAK NA PAGPAPALIBAN NG HALALAN NA ITINAGO LANG SA SALITANG " FIXING THE TERM NA UNCONSTITUTIONAL! SANA AY MAKITA NG KORTE SUPREMA ANG TUNAY NA PAKAY NG BATAS AT HINDI ANG WORDINGS LANG.

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...