TOM CARRASCO NG TRAP PANAUHIN SA TOPS

TAMPOK sa talakayan ang husay at galing ng Pinoy triathletes sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) Usapang Sports ngayong Huwebes sa PSC Conference Room sa Malate, Manila.

SPORTS

9/24/20251 min read

TAMPOK sa talakayan ang husay at galing ng Pinoy triathletes sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) Usapang Sports ngayong Huwebes sa PSC Conference Room sa Malate, Manila.

Inaasahang ibibida ni TRAP President at itinuturing na ama ng Philippine Triathlon na si Tom Carrasco ang partnership ng organisasyon sa Quezon City local government para sa idaraos na 2025 National Aquathlon Championships sa Setyembre 28 sa Amoranto Sports Complex.

Ang isang-araw na event ay inaasahang lalahukan ng 450 mga partisipante na babanat sa swim-run course para mapalakas ang plataporma nilang masuportahan at mapalakas ang TriPhil grassroots development program.

Nakatakda ang public forum sa pagtataguyod ng Philippine sports Commission, Behrouz Persian Cuisine, Pocari Sweat AT Lila Premium Healthy Coffee ganap na 10:30 ng umaga. Makakasama ni Carrasco ang isang coach at isang triathlete. Inaanyayahan ni TOPS Presidente Nympha Miano Ang ng pahayagang BULGAR ang mga miyembro at opisyal na makiisa sa talakayan na mapapanood via livestreaming sa Sports Bulgar, Sports Corner at official Facebook page na TOPS Sports.DAS

NAGKAMAYAN sina Triathlon Philippines chairman Tom Carrasco Jr.(kanan) at Quezon City Vice Mayor Gian Sotto pagkatapos isagawa ang Memorandum of Understanding (MOU) signing sa Legislative Hall ng Quezon City Hall, para sa gaganaping Natonal Aquathlon Champioships. Nasa larawan din sina (L-R) Action officer Martin Manese ng Amoranto Sports Complex, Nico Carrasco, TriPhil technical official, Carlos Gayoso, Q.C. Sports Development officer at mga City councilors. (Henry Vargas)