TOP TEN TO TOPNOTCHER

HINDI man prayoridad ang politika sa ngayon dahil mas nangingibabaw ang pagtulong sa kapwa ora mismo, matunog at nakatutulig ang pangalang FRANCIS LEO MARCOS sa tao kahit saan dako sa buong kapuluan.

OPINION

Danni Simon

1/13/20241 min read

HINDI man prayoridad ang politika sa ngayon dahil mas nangingibabaw ang pagtulong sa kapwa ora mismo, matunog at nakatutulig ang pangalang FRANCIS LEO MARCOS sa tao kahit saan dako sa buong kapuluan.

Sa katunayan, kung bukas gaganapin ang eleksiyon, isa nang ganap na lingkod bayan bilang Senador ng bansa si FLM dahil ayon sa pulso ng masa ay pasok siya sa magic 12 na maihahalal bilang lehislador ng Mataas na Kapulungan sa midterm election.

Sa pinakahuling survey na inilabas ng pinagkakatiwalaang institusyon na SWS( Social Weather Station)sa huling yugto ( fourth quarter) mula Disyembre 8-11 ,2023, ang kampeong pilantropo at bayani ng pandemia na si Francis Leo Marcos ay nasa top ten senatoriables na kung saan ay 44 na pangalan ang subject ng naturang survey.

Ang ibang umookupa sa winning position ay pawang mga reeleksiyonista na pangalan lang ang puhunan pero walang konkretong nagawa para sa sambayanang Pilipino.

Sila iyong mga lumulutang at nagpaparamdam lang pag malapit na ang halalan.

Pero kapag napuwesto ay puro imbestigasyon in aid of legislation kuno ang inaatupag habang nananatiling maraming pulubi sa lansangan, walang pagkain at bubong sa higaang dapat na ginagawan ng batas para iahon sila sa lugmok na kalagayan ng mga halal ng bayan.

Si FLM, malayo man o malapit ang halalan , wala siyang pakialam basta ang pagtulong at pag-ayuda sa mga hikahos sa buhay ang tampok sa kaniyang adbokasiya hangga't kaya ng kanyang sariling yaman at hindi galing kung saang baul ng kasamaan.

Kung talagang itinadhana ng ITAAS,walang makapipigil sa direksiyong tatahakin ni FLM bilang Senator of the Republic and then beyond...bilang na ang araw ng mga gahaman at anay ng lipunan..

ABANGAN!