TRABAHO NG SENADOR ANG GUMAWA NG BATAS--SENATOR ( ATTY.) 'TOL TOLENTINO

ISANG tunay na statesman ang dapat na senador ng sambayanan.

PEOPLE* PLACES* EVENTS

Danny Simon

4/12/20251 min read

ISANG tunay na statesman ang dapat na senador ng sambayanan.

Iyan ang katangiang angkin ng eksperto at subok nang mambabatas na si Senator Francis 'Tol' Tolentino- isang taal na abogado na swak ang trabaho bilang legislator at taga-balangkas ng batas.

Ang naging alkalde ng Tagaytay City at President's man bago naging Majority Floor Leader Senator ng 19th Congress na si Sen. 'Tol Tolentino ay walang dudang mare-reelect para sa 20th Congress ayon na rin sa tunaý na pulso ng mamamayang Pilipino.

" Hindi naman po biro-biro ang pag-gawa ng batas.Dapat may alam din.Kailangan ay marunong din hùmabi nito at nakakaalam.

Kaya sa Senado , kailangan natin ng abogado dahil ang trabaho ng senador ay gumawa ng batas", wika ni Senator TOL.

Si Tolentino ay maihahambing sa isang mahusay na player na kahit saan koponan mapabilang ay tiyak na magde-deliver upang ipanalo ang team at ang wagi ay ang taumbayan.

Si re-electionist Sen. Francis 'Tol' Tolentino ay numero 61 sa balota na bibilugan ng botanteng Pilipino sa Mayo 2025.

Siya ay kapatid ng isa pang lingkod - bayan na si Cong. Abraham 'Bambol Tolentino - pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC ).