Tres ni Matthew Montebon dumagundong, tyansa ng Soaring Falcons sa 'F4' pwede!
HINATAGAN pa ni Mathew Montebon ang Adamson University ng isa pang pagkakataon.
UAAP
11/20/20232 min read


HINATAGAN pa ni Mathew Montebon ang Adamson University ng isa pang pagkakataon.
Ginawa ni Montebon ang pinakamalaking shot sa kanyang bagitong karera, na nagbigay sa Soaring Falcons ng isa pang laro sa pagkakataong makakuha ng UAAP Season 86 Men's Basketball Final Four berth habang dinurog ang puso ng season hosts na University of the East Red Warriors, 63-61, noong Linggo sa SM Mall of Asia Arena.
Sa pagharap sa bingit ng kabiguan dahil kapit ang Adamson sa 61-60 may 2.7 segundo ang natitira, sinalo ni Montebon, isang transferee mula sa Paul Smith's College sa New York, ang bola mula sa sideline, hinarap ang graduating UE forward na si Abdul Sawat, at natumba ang isang clutch stepback triple para bigyan ng lead ang kanyang panig.
Matapos ang isang timeout, nakuha ni Jack Cruz-Domont ang isang crosscourt inbound para sa isang wide open look.
Gayunpaman, ang kanyang pagtatangka ay tumama lamang sa gilid ng board habang ang Adamson ay nabuhay para i- extend pa ang kampanya ng isa pang araw.
“I was just in the zone during that play,” bulalas ni Montebon, na tumibag ng 16 points hatid ng apat na tres, pitong rebounds at dalawang assists.
“When I got it, I didn’t know who was behind me. So I just did a step-back corner (three). I thought I missed because I just threw it up and fell down but luckily it went in,” aniya.
Dahil sa panalo, ang Soaring Falcons ay nakabuhol sa Ateneo Blue Eagles para sa huling Final Four spot na may 7-7 slates.
Magaganap ang playoff sa Miyerkules sa SM Mall of Asia Arena. Ito ang ikalawang sunod na taon na sasabak ang Adamson sa playoff para sa ikaapat na puwesto. Noong Season 85, nagtapos ang Soaring Falcons na may 7-7 record din at tinalo ang De La Salle Green Archers 80-76 noong Disyembre 4.
“I like how it ended,” saad ni third-year Soaring Falcons head coach Nash Racela. “Walang script dun ah. UE really made it tough for us. Some would say really chamba. I won’t deny that. Mukha namang chamba talaga.
“I think from the very beginning that’s what we emphasized to our players that there are no freebies in this world. You have to earn everything. You have to take it if you want it. Today we thank UE for allowing us to do that. Talagang pinahirapan kami. They didn’t give it to us on a silver platter,” sabi pa ng former UAAP champion coach. EM
Iskor:
Adamson 63 – Montebon 16, Manzano 16, Magbuhos 10, Yerro 8, Hanapi 5, Ojarikre 3, Erolon 3, Barcelona 2, Colonia 0, Ramos 0, Barasi 0, Anabo 0.
UE 61 – Remogat 16, Momowei 15, Cruz-Dumont 13, Galang 5, Lingolingo 3, Tulabut 3, Gilbuena 3, Maglupay 2, Sawat 1, Langit 0, Alcantara 0, Spandonis 0.
Quarterscores: 16-16, 37-29, 45-47, 63-61.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato