Trinidad at Wong ang flagbearers ng Team PH... 47 BEST BETS HANDA NA SA GIYERA NG WORLD GAMES SA CHINA

BUONG kagalakan ang nadama ng dalawang pambato ng bansa nang mahirang na flagbearer ng Pilipinas para sa paparadang 12th World Games na gaganapin sa Chengdu, China Sina Raphael Trinidad ng Wakeboarding at Agatha Wong ng Wushu angbpaparada in flying colors para sa kanilang nalalapit na partisipasyon bilang atleta sa opening ceremony ng kaganaang pang- mundo sa August 7 at magtatagal hanggang sa August 17.

SPORTS

Ni Danny Simon

8/4/20252 min read

BUONG kagalakan ang nadama ng dalawang pambato ng bansa nang mahirang na flagbearer ng Pilipinas para sa paparadang 12th World Games na gaganapin sa Chengdu, China.

Sina Raphael Trinidad ng Wakeboarding at Agatha Wong ng Wushu angbpaparada in flying colors para sa kanilang nalalapit na partisipasyon bilang atleta sa opening ceremony ng kaganaang pang- mundo sa August 7 at magtatagal hanggang sa August 17.

Sa photoshoot ng Team Pilipinas kamakailan na pumitik sa Ninoy Aquino Stadium, sinabi ng dalawa na isang malaking karangalan ang bitbitin ang watawat ng Pilipinas sa parade of nations.

"Sobrang sobrang laking honor as a sole wakeboarder that will represent the country and add to that, i have the honor of actually being one of the flagbearers that gonna be carrying the flag into the World Games and i don't think bad lately and im promise to all my fellow Filipinos to do my very best, my training has been spot on day in and day out making sure that my riding is at its peak or maybe better.", sinabi ni Trinidad.

"I felt very surprised and grateful for this opportunity only because my sport, Wushu is not as much a famous sport just for them recognized me, its means na nag-iimprint na ang sport ko sa PSC at POC at it is also a chance for our Filipinos to see na like they ask kung ano ang sport niya and i'm really happy that i came from Wushu.", ayon naman kay Wong.

Nagbahagi rin ang dalawa ng latest update sa kanilang training para sa multi-sports event na kinabibilangan ng mga sports na hindi kasama sa kalendaryo ng Olympics.

"I think i'm just really excited for that competition and im looking forward to this... yung training, hindi siya nagbabago pero medyo heavy na siya but just because medyo nag-adjust ng program ang coach namin but all in all, i'm just training consistently.", pahayag ni Wong.

"For me, 200% im more than ready. Past two months [of preparations] has been amazing and i am feeling better than before and i just can't wait to go to China and represent the country.", sambit pa ni Trinidad.

Binubuo ng 47 na mga atleta ang Team Pilipinas na nangagaling mula sa mga sport na Billiards, Dragonboat, Duathlon, Floorball, Jiu-Jitsu, Kickboxing, Muaythai, Powerlifting, Sambo, Wakeboarding at Wushu.

Gaganap na chef-de-mission ng koponan ang pangulo ng Muaythai Association of the Philippines na si Stephen Arapoc.

Ph flagbearers Trinidad at Wong