'TULONG FLM' TULUY-TULOY!
KUNG tutuusin ay puwede nang petik-petik sa kanyang buhay si humanitarian champion Francis Leo Marcos dahil kung sa kabuhayan lang din ang pag-uusapan ay di na kayang ubusin ang kanyang salapi in one lifespan.
OPINION
ni Danny Simon
11/28/20251 min read


KUNG tutuusin ay puwede nang petik-petik sa kanyang buhay si humanitarian champion Francis Leo Marcos dahil kung sa kabuhayan lang din ang pag-uusapan ay di na kayang ubusin ang kanyang salapi in one lifespan.
Kung katanyagan naman ang kanyang hangad ay matagal na niya itong nakamit bago pa noong pandemic, kung iyong mga ganid na tao ay hindi makuntento kung paano dagdagan pa ang kanilang nakaw na kuwarta ng sambayanan, si FLM naman ay di makuntento habang di niya naitutulong sa sambayanan ang yaman niyang blessing mula sa Lumikha kaya kailangan niya itong maipamahagi partikular sa mga kapuspalad.
Kung pulitika ang dahilan, di sana siya nagbigay-daan bilang sakripisyo upang di na maapektuhan ng malaki at gumastos pa ang gobyerno upang maidagdag ang kanyang pangalan kaya naisakripisyo niya ang isang senate seat sana para sa bayan.
Nang matapos ang eleksiyon, iyong mga politiko na nanligaw ng boto ay di na mahagilap ngayon dahil nakapuwesto na at walang ginagawa kundi bawiin ang salaping nagasta noong kampanya at kumurakot ng malaking halaga para sa sarling bulsa kasama lahat ng buwaya sa pulitika habang si FLM ay patuloy ang kanyang pagtulong sa kapwa nang walang hangad na kapalit.
Ang kanyang resibo ay ang patuloy niyang pamimigay ng pera, bigas, at iba pa sa kanyang malulugod na tagasubaybay sa social media.
Bagamat marami ang nagsusulong sa kanya para sa 2028( isa na ang Uppercut) ang kanyang pinakapokus ngayon ay tumulong sa kapwa me halalan man o wala.
Iyan si FLM.. di na magbabago ang kanyang nakagawian para sa kababayan.
Ang di ko mawari ay bakit me mga siraulo pang bashers na patay- inggit sa gawaing makatao ni FLM.
Sabagay , kapiranggot lang sila kumpara sa mga humahanga at natutuwa sa pagiging makatao nito kaya ituloy mo lang ang mabuting gawain señor FLM…i-share sa madla ang biyayang dumarating sa iyo na siksik - liglig.. ABANGAN!!
Sa susunod ay ating kakapanayamin muli ang kampeon ng masa na si FLM para sa ating you tube channel DANNSCAPE ARTS.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09451935742
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato
