TULOY ANG LABAN NI SENATORIABLE FLM

KUMBAGA sa basketball,game 5 semifinals rubbermatch , mistulang wala nang laban ang paboritong koponan dahil natatambakan pa pero sa huling limang minuto ay nagsagawa na ng paghabol na rally hanggang sa dumikit sa last 2 minutes at bingo sa huling segundo ay pumukol ng tres ang kanilang asintado para sa winning shot, bulls eye! panalo sa buzzer-beating shot kaya dahil dito ay pasok sila sa finals.

OPINION

Danny Simon

1/23/20251 min read

KUMBAGA sa basketball, game 5 semifinals rubbermatch, mistulang wala nang laban ang paboritong koponan dahil natatambakan pa pero sa huling limang minuto ay nagsagawa na ng paghabol na rally hanggang sa dumikit sa last 2 minutes at bingo sa huling segundo ay pumukol ng tres ang kanilang asintado para sa winning shot, bulls eye! panalo sa buzzer-beating shot kaya dahil dito ay pasok sila sa finals.

Si Francis Leo Marcos, kilala ng mga Pilipino na isang tunay na pilantropo, humanitarian champion at pandemic hero ay umiskor ng higanteng panalo matapos na ipag-utos ng Korte Suprema na itigil ang pag-disqualify ng Comelec kay Francis Leo Marcos para sa senatorial race ng parating na national midterm elections sa Mayo.

Ang TRO (temporary retaining order) ay naga-atas din na idagdag ang pangalan ng batang Marcos sa iimprentahang balota (lagpas na sa deadline) kung kaya tumalima ang Comelec na itigil muna iyong mga nauna nang naimprenta para bigyang daan ang pangalan ni FLM sa mga aspiranteng Senador ng bansa.

Nakapagtataka nga namanģ ideklarang nuisance o panggulo lang daw at hindi seryoso si Francis Leo Marcos sa kanyang pagtakbo o kunwari ay walang Marcos-Marcos ang mga mekos-mekos ( walang kinikilingan kuno) ng Comelec.

Kaya ang last resort ng FLM camp ay tumakbo sa Supreme Court na kalaunan ay inorderan ang poll body na isama sa imprenta ang pangalan ng future senator.

Buzzer-beater ang panalo.

" Tuloy ang laban, wala nang balakid, salamat sa SC, ngayon pa lang.. panalo na tayo!", wika ng ginawaran kamakailan ng doctorate degree on philosophy and humanitarian endeavour Dr. Francis Leo Antonio Marcos PhD -De Hum Honoris Causa.

Panawagan niya sa multi-milyones niyang followers na Pilipino sa buong mundo na samahan siya sa pakikibaka tungo sa Senado.. MISMO!

FYI: Alam nyo ba na ang kahulugan ng FLM ay Filipinos Love Marcos at Freedom&Liberty to Mankind?!.

NAGLAING APO!

Lowcut- Shoutout kay FFCI worldwide president at Las Piñas City Vice Mayoralty candidate Dong Batalan, kay Madam Chilitita Cabatingan ng Semi Di Sperànza Foundation- Cebu at lahat ng FFCI officers and members sa buong mundo na 100% ka-FLM. MABUHAY!