IN GOD WE TRUST
TULUNGAN ANG PINAY OFW NA PAUWI DAHIL SA BANGUNGOT NA KARANASAN AT TAKOT SA DIGMAAN
MATAPOS ang bigong kapalaran ng isang OFW sa Saudi Arabia ay makauuwi na rin siya sa wakas sa Pilipinas at makararaos na sa kalbaryong dinanas sa lugar na iyon ng Gitnang Silangan mula sa malulupit na amo at ang takot sa nakaambang eskalasyon ng giyera sa Iran damay ang Saidi Arabia.
OPINION
ni Danny Simon
4/7/20262 min read


MATAPOS ang bigong kapalaran ng isang OFW sa Saudi Arabia ay makauuwi na rin siya sa wakas sa Pilipinas at makararaos na sa kalbaryong dinanas sa lugar na iyon ng Gitnang Silangan mula sa malulupit na amo at ang takot sa nakaambang eskalasyon ng giyera sa Iran damay ang Saidi Arabia.
May pinadalang kalatas sa korner na ito thru our socmed platform ang pobreng OFW na tagasubaybay ng ating pitak na Uppercut mula sa Riyadh , Saudi Arabia.
Dati na siyang nag-Saudi na natapos ang kontrata kahit bangungot ang karanasan niya doon.
Dahil walang trabaho dito sa Pinas at bigo din sa munting hanapbuhay ay napilitan siyang balik-Saudi pero di pa rin siya naging masuwerte sa kanyang kapalaran dahil sa natagpuan niyang malupit at di makataong amo. Ang higit 4 na buwan niyang kalbaryo ay di na niya matiis na pinasidhi pa ng takot sa napipintong digmaan sa Middle East.
Lakas loob na siyang nagpaalam sa kanyang employer na napilitan nang umayon kahit galit dahil sa valid reason pero sa kanya na pinasasagot ang tiket pauwi.
Problema niya ay kulang ang kanyang pambili ng tiket pauwi pero kelangan na niyang makaalis sa tinuring niyang impyernong napasukan niya.
Nagtuloy na lang muna siya sa kanyang egency na Alsuneed sa Riyadh for accomodations lang habang antay ang kanyang exit visa.
Ilan linggo na rin siyang naroon kasama ang iba pang Pinay OFW na may parehong karanasan at gusto nang magsiuwi.
Ang natitIrang pera ni Janet Tumanos Bacani ay pinambili na niya ng tiket para makauwi lang at kasabay niya ang sampu pang Pinay OFW's.
Makakatakas na si Janet sa kalbaryong iyon pero me naghihintay namang
pasangkrus para sa kanya dito dahil need niyang magtrabaho upang mabuhay para sa kanyang mga mahal Sa buhay. Sa sunod na linggo na ang kanyang balik.
Kaya nananawagan siya sa kinauukulan dito sa atin na tulungan siyang makabangon muli upang di na siya makaisip pang umalis at makipagsapalaran sa bansang malulupit tulad ng sa Middle East...
Attention Department of Migrant Workers at OWWA…tulungan ang kababayang sobrang nakaka-awa…ABANGAN!
LOWCUT- Shoutout kay Sales Executive G. Eric Cornejo ng Mitsubishi Otis,Paco sa Maynila.Sobrang nakaeengganyo ang promo ng numero unong Mitsubishi Car Company sa bansa.For inquiries- contact#09072807884 or visit their showroom at 1760. Dra.P.Guanzon St., Bgy. 831, Paco,Manila. Kayong mga tropang sobrang BUSY..Deserve niyo ang MITSUBISHI!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
