U-17 cagers ang pokus ng advocacy program ng WANG'S BASKETBALL sa pagpasok ng taon 2026

Magre-reach out ang Wang's sa mga kabataan partikular sa kanayunan na kanyang bagong grassroot sports development program tampok dito ang ilalargang basketball clinic sa mga potensyal na manlalaro na nasa edad 17 pababa.

SPORTS

ni Danny Simon

12/12/20251 min read

Magre-reach out ang Wang's sa mga kabataan partikular sa kanayunan na kanyang bagong grassroot sports development program tampok dito ang ilalargang basketball clinic sa mga potensyal na manlalaro na nasa edad 17 pababa.

Sa pamamagitan ng pangasiwa ng regular niyang coach/ mentor na si Jun Guingon ay magaang maisasakatuparan ang naturang programa sa kaagahan ng susunod na taon 2026 na siyang magtuturo kasama ang mga piling Wang's player sa nakakalendaryo nang basketball clinic na inorganisa ng Wang's Sports sa kooperasyon ng local government units sa mga bayan at lalawigan.

" Sa halos 30 years na ang ating adbokasiya sa larangan ng basketball at di birong dami na ng kanyang natulungang players mula collegiate,commer cial,at propesyunal pati na ang mga retirado na at marami sa kanila ang naglalaro na sa PBA at farm league na PBA D-League ay laging bukas ang Wang's para s kanila.It's time nang mag-pokus para sa ating boys and kids magpasiklab , magpakitang -gilas at matuto ng favorite pastime ng Pinoy na basketball, "wika ni Wangs.

Tuwing Sabado ay nakikipag- scimmage sa Aguinas Gym sa San Juan ang mga adult na susundan ng basketball clinic para sa mga bata.