UAAP Baseball 86th Season...NU BULLDOGS ABOT KAMAY NA ANG TAGUMPAY!

ISANG hakbang na lang ay matutupad na ng National University Bulldogs ang misyon nitong muling pagharian ang men's baseball crown ng University Athletic Association of the Phippines 86th Season matapos ang come-from -behind victory kontra defending champion De La Salle University Green Archers sa game 1 ng best - of- 3 championship kamakalawa sa UP Baseball Field sa Diliman, Quezon City.

SPORTS

Danny Simon

4/19/20241 min read

ISANG hakbang na lang ay matutupad na ng National University Bulldogs ang misyon nitong muling pagharian ang men's baseball crown ng University Athletic Association of the Phippines 86th Season matapos ang come-from -behind victory kontra defending champion De La Salle University Green Archers sa game 1 ng best- of- 3 championship kamakalawa sa UP Baseball Field sa Diliman, Quezon City.

Nagpakitang -gilas si Bulldog Nigel Paule upang pangunahan ang never-say- die spirit ng NU.

Mula 0-4 na paghabol at tangan ang delikadong 5-4 kalamangan ng nag-rally na ang Bustillos Batters,hinataw ni Paule ang kanyang 2nd hit upang ihatid sa homeplate sina Harold Tenorio at Keith Olazo,8-4 sa top of 8th upang maging final score sa klasikong bakbakan para sa tropang Wopsy Zamora.

Unang kumana ng opensa ang Taft-based sluggers kortesiya ni DeVera nang 2 beses sa singles nina JR Semuel at Pio Villamiel sa kaagahan ng laro na nasundan pa ng 2 runs nina Guy Bautista at JM Segui at di na nasundan pa upang yumukod ang Archers kontra Bulldogs.

"Championship caliber talaga ang DLSU. Kaya sabi ko sa mga bata sa training at conference,sabayan lang anv kalaban.Bigay,-todo sa loob ng field," wika ni winning coach Romar Landicho na nagpasalamat sa agapay ng kanyang deputies na sina Robin Go,Junemar Diarao at Mon Espino at sa walang sawang suporta nina team manager Zamora at motivation chief Rey Sol.

" Abot- kamay na ang tagumpay. Eto na kami sa 2024..Go Bulldogs, bring home the bacon,"sambit ni team manager Zamora kasabay sa papuri sa kanyang tropang Bulldogs sa kabuuan ng laro.