IN GOD WE TRUST

UAAP Baseball powerhouse.. MGR. CALANOG AT COACH ORILLANA KUMPIYANSA SA DLSU BATTERS

OPTIMISTIKO sina Dela Salle University baseball team manager Noel Calanog at head coach Joseph Orillana na tutuparin ng Taft- based batters ang misyon ng koponan na mahablot muli ang korona ng liga sa pagsambulat ng UAAP season baseball edition sa Pebrero 25,2026 , Rizal Memorial Baseball Stadium sa Maynila.

SPORTS

Ni Danny Simon

2/10/20261 min read

OPTIMISTIKO sina Dela Salle University baseball team manager Noel Calanog at head coach Joseph Orillana na tutuparin ng Taft- based batters ang misyon ng koponan na mahablot muli ang korona ng liga sa pagsambulat ng UAAP season baseball edition sa Pebrero 25,2026, Rizal Memorial Baseball Stadium sa Maynila.

Ang champion caliber DLSU green batters ay perenyal na kampeon sa UAAP bago sila dalawang beses na maagawan ng titulo pinakahuli ng National University Bulldogs nitong nakaraang season.

"Ang main goal namin ay ma-regain ang championship. Focus kami sa training upang mapalakas pa ang hitting,pitching and execution,wika ni head coach Orillana na handa nang mabawi ang UAAP crown ngayong season." Sa ating LaSalle community, patuloy nating suportahan ang ating team to boost their morale in winning the champioship once more.

Ramdam naman ni team manager Calanog ang determinasyon ng kanyang tropang green batters upang maka-resbak sa Bulldogs na bumigo sa kanila noong nakaraang season.

"Our boys are focused in regaining our glory in UAAP baseball , 'sambit naman ni Calanog sa panayam na ginanap sa Rizal diamond."Kaya naman tinututukan ko ang kanilang mga pangangailangan at sa aspeto ng nutrisyon na higit kailangan ng bawat atleta namin upang ma- maintain ang aming winning tradition".ani pa Calanog.

Coach Joseph Orillana

Team mgr. Noel Calanog

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...