UAAP baseball semis...NU BULLDOGS TWICE TO BEAT NG ATENEO

SIMULA na ang matinding bakbakan ng top four sa larangan ng men's baseball tournament sa paghataw ng University Athletic Association of the Philippines sa araw ng Linggo (Abril 14) sa UP Baseball Field, Diliman sa Quezon City.

SPORTS

Danny Simon

4/10/20241 min read

SIMULA na ang matinding bakbakan ng top four sa larangan ng men's baseball tournament sa paghataw ng University Athletic Association of the Philippines sa araw ng Linggo ( Abril 14) sa UP Baseball Field, Diliman sa Quezon City.

Ang topnotcher sa eliminations na National University Bulldogs ay makakatunggali ang Ateneo de Manila University Eagles sa isang semifinal match kung saan ay nasa tropang Wopsy Zamora ang bentahe sa bisa ng twice to beat para sa finals ticket.

Ayon kay NU head coach Romar Landicho, ipagpatuloy lang ng Bulldogs ang consistency, pokus sa game, lagkit ng depensa at mainit na bat ay makakausad sila agad sa final round, determinado at motivated sila na hahablutin ang finals ticket sa game one pa lang.

" Kailangan lang po na lumabas ang tunay na laro ng mga bata.Sa ngayon po ,highly motivated sila at excited nang lumaro sa Sunday",wika ni Landicho na sasandig rin sa able support ng kanyang deputy coaches na sina Robin Go ,Junemar Diarao (pitching) at Mon Espina (conditioning).

Kasalukuyang nasa Batangas training camp ang NU Bulldogs kung kaya pinasasalamatan ng taos puso ni Coach Landicho ang todo suporta ni team manager Wopsy Zamora gayundin kay motivation chief Rey Sol.

" We're almost there.One step forward to our UAAP mission to be accomplished. Go Bulldogs!", pahayag ng Zamora na nagbigay pugay sa kanyang mababangis na tropang sina Amiel de Guzman, Jerick Timban, Nigel Paule, Joven Maulit, Harrold Tenorio, MJ Carolino, Kent Altarejos, Jude Maulit, Gio Corpido, Cyrill Antipolo, Nico Calanday, Olazo at Camposanto.

Mauna sa hatawang Bulldogs vs Eagles ay ang paghaharap ng DeLa Salle University Archers kontra Santo Tomas University Tigers bandang ika - 3 ng hapon.

NU team manager Wopsy Zamora