UAAP Baseball..NU BULLDOGS BABALIKWAS VS UP MAROONS NGAYON SA DILIMAN
DETERMINADONG humataw upang makabalikwas ang National University men's baseball team kontra University of the Philippines ngayon sa baseball event ng Universities Athletic Association of the Philippines (UAAP) 86th Season sa UP baseball field, Diliman, Quezon City.
SPORTS
Danny Simon
3/6/20241 min read


DETERMINADONG humataw upang makabalikwas ang National University men's baseball team kontra University of the Philippines ngayon sa baseball event ng Universities Athletic Association of the Philippines(UAAP) 86th Season sa UP baseball field, Diliman, Quezon City.
Haharapin ng Bulldogs ni team manager Wopsy Zamora ang host team Maroons na parehong may 1-2 kartada sa team standing
Ang tropang Sampaloc batters ay kaya pang mamayagpag sa torneo sa pag-angat ng adrenaline nilang manalo sa nalalabing elimination games ng ligang halos lahat ay balanse ang puwersa sa diamond at sa breaks of game na lang nagkakatalo.
" Halos dikit naman sa team standing,malayo pa yan .We can pull the big one and stay in contention one game at a time. Di naman nagkakalayo sa team standing sa ", optimistikong pahayag ni NU Bulldogs team manager Wopsy Zamora na sinegundahan ni assistant manager motivation specialist Rey Sol.
Ang koponan ay may pambatong pitchers na sina MJ Carolino, Cyrill Antipolo, Amiel de Guzman at Jherick Timban na may kakayahang i-ground ang lahat nang hahataw sa harap ng kanilang mound.
Binubuo pa ng future Amigo batters ni sina Nigel Paule,Kent Altarejos,Jude at Joven Maulit, Herald Tenorio, Gio Gorpido at Kiel Olazo sa timon ng bull pen tacticians na sina head coach Romar Landicho, asst. Robin Go, pitching coach Junmar Diarao at conditioning coach Fil Am Mon Espino (San Diego Padres).
" Hear us roar back at the diamond..Go Bulldogs!", sambit ni Sol.


Wopsy Zamora
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato