UAAP Jrs: Ronquillo ng UST Cubs nanguna sa paglapa sa NU Bullpups
Pointmaker par excel'lanze. Nagbaga ang opensa ni UST Tiger Cubs pointguard Lanze Ronquillo upang pangunahan ang pagdurog sa NU Bullpups, 85-78 upang tapusin ang unang round ng elimination baon ang panalo at nasa tersera puwesto sa team standing ng kasalukuyang UAAP Season.
UAAP
Danny Simon
12/18/20231 min read


Pointmaker par excel'lanze.
Nagbaga ang opensa ni UST Tiger Cubs pointguard Lanze Ronquillo upang pangunahan ang pagdurog sa NU Bullpups, 85-78 upang tapusin ang unang round ng elimination baon ang panalo at nasa tersera puwesto sa team standing ng kasalukuyang UAAP Season.
Kumamada si spitfire Ronquillo ng 15 puntos, 3 rebounds at 6 assists upang tanghaling game's best player at akayin ang team sa 4-3 win-loss record para sa tersera puwesto kasosyo ang FEU juniors (4-3).
Nangunguna sa overall team standing matapos ang round 1 ang Adamson University HS na may malinis na kartadang 7-0 kasunod ang tinalo ng Tiger Cubs na NU, 5-2.
Tangan ng UE at Ateneo ang parehong 3-4 karta, 2-5 sa DLS-Z at nasa ibaba ang UP sa winless 0-7.
Ang University of Santo Tomas ( UST) ay suportado ng COCOLIFE sa panguguna ni Pres. Atty. Jose Martin Loon katuwang si SVP J.R., VP Rowena Asnan at EVP Atty. Elmore Omelas.
Ang hostilidad sa UAAP Juniors ay tigil muna ngayong holiday season.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato