UAAP Season 86 Women's Basketball: Lady Eagles umalagwa kontra Lady Warriors

Nagawang pigilan ng Ateneo de Manila University ang University of the East sa dikdikang pisikal na laro, 81-66, para mapanatili ang mahigpit na hawak nito sa ikaapat na puwesto sa UAAP Season 86 Women's Basketball Tournament sa SMART Araneta Coliseum, Linggo.

UAAP

10/31/20232 min read

Standings:

NU 8 1

UP 7 2

UST 7 2

Ateneo 6 3

DLSU 3 6

FEU 3 6

AdU 2 7

UE 0 9

Games Saturday

(SM Mall of Asia Arena)

9 a.m. – UE vs AdU (Women)

11 a.m. – FEU vs DLSU (Women)

2 p.m. – AdU vs UST (Men)

4 p.m. – NU vs Ateneo (Men)

Nagawang pigilan ng Ateneo de Manila University ang University of the East sa dikdikang pisikal na laro, 81-66, para mapanatili ang mahigpit na hawak nito sa ikaapat na puwesto sa UAAP Season 86 Women's Basketball Tournament sa SMART Araneta Coliseum, Linggo.

Winaswas ng Blue Eagles ang Lady Warriors sa paint, umiskor ng 50 puntos sa loob habang ang kanilang oposisyon ay tumabas lang ng 28.

Naka-swak din ang Ateneo ng 24-of-45 mula sa free throw line, kabilang ang 26 na attempts sa second quarter pa lamang. Humugot ang UE ng 19-of-28 mula sa stripe.

"We started very flat I think we came in very relaxed but we were able to turn it up nung second half so happy kahit papaano we got this win," sambit ni Blue Eagles head coach LA Mumar.

Balik sa win column ang Blue Eagles matapos sumuko sa National University noong Miyerkules, 84-74, para sa 6-3 record -- isang laro lamang sa likod ng pangalawa at pangatlong tumatakbong University of the Philippines at University of Santo Tomas sa 7- 2.

Nanatili ang Ateneo sa lakbayin para sa ikalawang sunod na Final Four stint nang magbukas ito ng three-game cushion sa karera para sa No. 4 spot.

Sa second quarter, gumawa ng ilang separation ang Ateneo, na ginawang 48-37 game ang 26-25 tight affair sa break. Sinalaksak nila ng 12-of-26 mula sa linya sa puntobg yun.

Ang double-digit na pangunguna ng Ateneo ay napatunayang napakataas para umakyat pabalik para sa Lady Warriors dahil 10 ang pinakamalapit na makukuha nila nang maraming beses sa natitirang bahagi ng laro.

Si Kacey Dela Rosa sa kabila ng mabagal na simula, nagtapos pa rin ng 22 points, 11 rebounds, at limang blocks, habang si Junize Calago ay nagbigay ng 15 points at pitong rebounds.

Ang Nigerian big na si Sarah Makanjuola ay nagpataw sa loob ng 22 rebounds at may 12 puntos.

"I just played my game. Coach LA always says that we all have to play aggressively because UE is a well-coached team so we had to be aggressive," ani Joson, may 10 points, 12 assists, five rebounds, tatlong steals, at isang tapal. (Enjel Manato)

Iskor:

Ateneo 81 – Dela Rosa 22, Calago 15, Makanjoula 12, Joson 10, Cancio 9, Eufemanio 5, Villacruz 4, Angala 2, Fetalvero 2, Chan 0, Gastador 0, Solis 0, Nieves 0, Tan 0, Mataga 0.

UE 66 – Paule 20, Lorena 13, Pedregosa 7, Lumibao 6, Dela Rosa 6, Kone 5, Anastacio 4, Delig 3, Ronquillo 2, Burgos 0, Ruiz 0, Yanez 0, Cruz 0.

Quarterscores: 18-17, 48-37, 61-51, 81-66