UMak di nakaahon sa tambak..PUP LADY RADICALS KAMPEON SA UCPL 1ST SEASON!
TINIYAK ng Polytechnic University of the Philippines na di makaporma ng rally ang mahigpit na karibal na University of Makati upang iukit ang kanilang kampeonato sa Universities and Colleges Premiere League( UCPL) kamakalawa sa PUP Gymnasium sa Sta Mesa, Manila.
SPORTS
Danny Simon
3/1/20252 min read


TINIYAK ng Polytechnic University of the Philippines na di makaporma ng rally ang mahigpit na karibal na University of Makati upang iukit ang kanilang kampeonato sa Universities and Colleges Premiere League( UCPL) kamakalawa sa PUP Gymnasium sa Sta Mesa, Manila.
Nagbabagang opensa at malagkit na depensa ang inilatag ni PUP Lady Radicals head coach Buboy Rodriguez upang gitlain ang lady dribblers ng UMak tungo sa kumbinsidong panalo,72-55 at angkinin ang buwenamanong korona ng koponang Sta Mesa na ipinagbunyi ng dumagsang homecrowd.
Nagpamalas agad ng lakas on both ends ang PUP sa sanib -puwersa nina Lady Radicals Bernalyn Andrea Aragon, Glady Mae Casupang at Karen Francisco ( top 3 scorers) katuwang sina Carmela Reyes Mikai Misahon, Mei Taguiam, Ara Concepcion, Shiv Ortega, Cherelyn Arcega, Hasmie Emia, Faith Dalangin, Yas Alpanghi, Abby Ariones, Sachi Jimenez, Allana Rerencio at Joyce Andal para tuluyang dominahin ang bakbakang wala nang bukas at pagreynahan ang prestihiyosong UCPL via sweep mula eliminations hanggang finals sa timon ni Coach Rodriguez at deputies John Ramirez Jon Molina Benito Testor at Edwin Parfan.
UCPL innaugural season champion PUP Lady Radicals


Best coach Buboy Rodriguez with UCPL mythical players.
Sa panayam ay sabay-sabay silang nagpasalamat at inihandog ang. klasikal na tagumpay sa management partikular kay team manager: Marvin Adolfo - MPAMS at kina PUP President: Manuel M. Muhi PUP SDPO at Director Romulo Hubbard.
"Susi ang defense namin especially on Densing ,ang top player ng UMak na nalimitahan ang opensa sa buong laban.Sinasabi ko palagi sa kanila na defense wins championship", wika ni winning coach Rodriguez na ninamnam ang unang kampeonato sa UCPL dagdag sa mga nauna na niyang titulo bilang head coach sa SCUAA NCR( 2X), SCUAA National (1) at MILO WBL ( 4X).
Bukod kina PUP prexy Muhi , team manager Adolfo at director Hubbard, pinasalamatan din ni Rodriguez si VP for Student Affairs and Sevices Tomas O.Testor sa kanilang todo suporta sa women' s basketball team.
Si Rodriguez ang tinanghal na best coach ng torneo at season MVP si Aragon habang Finals MVP naman si Casupang.


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato