UMULAN O UMARAW SEMIS SLOT ANG RAIN OR SHINE
NAKARESBAK ang Rain or Shine kontra karibal na Converge Fiberexers 114-104 upang maipuwersa ang kanilang quarterfinal series sa rubbermatch game3 ng PBA 49 Commissioners'Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.
OPINION
Danny Simon
2/8/20252 min read


NAKARESBAK ang Rain or Shine kontra karibal na Converge Fiberexers 114-104 upang maipuwersa ang kanilang quarterfinal series sa rubbermatch game3 ng PBA 49 Commissioners'Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.
Pasiklab ang kanilang prized shooter Adrian Nocum na nagbaga ang kanyang mga tres sa second half katuwang si Jonnard Clarito at iba pang local frontliners at siyempre ang pagsabog ng opensa at depensa ng kanilang import na si Deon Thompson na rumatrat ng 28 puntos upang kontrolin ang laro at ilebel ang serye sa 1-1 na babasagin ng sudden death rubbermatch bukas sa Ynares Center sa Antipolo City.


Yu, Lachica and Que


Ramdam ng korner na ito na buo ang loob at determinadong mahablot ng tropa ni RoS coach Yeng Guiao ang semis ticket patungong finals kapag nagkataon na isang dambuhalanģ handog para kina team owners Terry Que at Raymond Yu.
Ang Rain or Shine vs Converge na tinagurian ding ' battle of Capampangans nina kabalen ex- Pampanga Vice Governor/ RoS coach Guiao at kasalukuyang Gobernador ng lalawigang si Dennis Pineda na magkaibigan outside ay tunay namang galit-galit muna sa hardcoùrt kung saan ay 'may the best team win' ang kanilang battlecry.
Ang Elasto Painters ay matagal nang asam ang kampeonato sa bigtime PBA na magtutuloy ng winning tradition noon pang PBL days na dinodomina ng kanilang koponan noon na Welcoat ,na ayon sa bolang kristaĺ ay isang koponan g independent sa PBA ang magkakampeon ngayong Commissioners' Cup ng 49th season. Dilang anghel yan di ba Bos RVL?
Lowcut:Saludo ang UPPERCUT kay ageless bosTerry QUE (Mr. Quick Release dahil sa mabilisang pagbuslo ng bola na laging kinagugulat ng bantay o depensa). Basketball is life para kay Mr. Que kaya siya long and healthy life. Kudos to bos Raymond Yu...MISMO!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato