Unang ginto sa PRISAA..MAHINAY NG CV ANG LAKAS SA 5000 M MEN

Legazpi City-Sinungkit ni Mark Mahinay ng Central Visayas ang unang ginto sa 5,000m men at namayani sina Jon Robs Bongcayat sa boys’ division at ang kanyang teammate sa Davao Region si Jennel Cabiles ay wagi sa 400m hurdles girls sa maulang Day 1 ng 2024 PRISAA National Athletics dito sa Bicol University track and field oval.

SPORTS

Clyde Mariano

7/22/20242 min read

Legazpi City-Sinungkit ni Mark Mahinay ng Central Visayas ang unang ginto sa 5,000m men at namayani sina Jon Robs Bongcayat sa boys’ division at ang kanyang teammate sa Davao Region si Jennel Cabiles ay wagi sa 400m hurdles girls sa maulang Day 1 ng 2024 PRISAA National Athletics dito sa Bicol University track and field oval.

Gamit ang kanyang panalo at karanasan sa international competition ,nanalo ng pilak sa 10,000-meter at tanso sa 4x400m relay sa una niyang appearance sa PRISAA, kinontrol ng 23 year- old, 5-foot-7 Cebuano mula Catmon, 40 kilometers north of Cebu ang lung-busting, strength-sapping 12.5 laps 5,000m run sa oras 15 minutes and 22.9 seconds upang msitala ang kanyang pangalan bilang unang atletang nanalo ng ginto sa 2024 edition ng 71 years nang school-based competition na inorganisa noong 1953.

Tumakbo sa giya ni coach Daniel Noval Banzon, tinalo ni Mahinay ang kanyang mga kalaban sa palakasan ng resistinsiya kasama ang kanyang teammate na si Franklin Lee na inangkin ang pilak na dumating sa finish line (15.53.4) at napunta ang tanso kay Ken Jay Moreto ng Soccsksagen sa tiyempong 15.55.7.

“Maganda sana ang oras ko kong hindi umulan,” sabi ni Mahinay matapos dumating sa finish line una sa kanyang mga kalaban.

“Pinaghandaan ko ito. Nag-ensayo ako nang husto bago pumunta dito dahil gusto kong manalo. Masaya ako dahil

nabigyan ko unang ginto ang akin region,” wikani Mahinay , incoming third Information Technology student sa University of Cebu.

Dahil sa ulan nabigo si Mahinay pantayan at higitan ang standing

national record na 13:58.43 itinala ni 1984 Los Angeles Olympian Eduardo Buenavista sa 14th Asian Games sa Busan, South Korea.

Tatakbo si Mahinay sa 800m at 1,500m at determinado panalunin ang dalawang events at perfect 3 of 3 ang una niyang paglahok sa taunang competition na nilahukan ng mga atleta galing sa mahigit 400 colleges at universities sa bansa.

Matapos manalo si Mahinay sa 5,000m run, sinungkit ni Jon Rods Bongcayat ng Davao Region ang ginto sa youth boys’ division. Dumating siyasa finish line 13:07.03 at ang kanyang kababayan anak ng security guard ang 15 anyos na si Jennel Cabiles na namayani sa 400m hurdles girls hurdles.

Tinalo ni Bongcayat si Jay Roben Ranaque ng host Bicol Region 14.39.3 at bronze medalist Alexander Ungos ng Central Luzon (16:04.6).

Sa kanyang panalong pilak hindi pinahiya ni Ranaque ang kanyang mga kababayang nag cheer sa kanya at pinakita niya kaya niyang manalo sa national competition hindi lang sa regional tournament.

Walang tigil ang ulan sa umaga at napilitan ang mga official na pansamantalang kanselahin ang ibang events sa athletics para maiwasan magka injury ang mga atleta.

“We stopped the other morning events to avoid the athletes incur injury. We will resume the events in the afternoon. We will wait to the decision of the technical committee,” sabi ni PRISAA national president Edgar Balasta .

Si Mahinay na kabilang sa 54 athletes delegation galing sa University of Cebu ay kasama rin sa mahigit 400 delegation sa Central Visayas.

Sabay-sabay nilalaro ang ibang sports kasama ang weightlifing tampok ang labing apat na ginto sa Tagon Elementary School.

Inaasahan dodominahin ng mga lifters sa Zamboanga ang events para panatiliin ang tawag nan“Weightlifting Capital of the Philippines” kung saan nanggaling sina Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz, Nestor Colonia, Kristel Macrohon, Flor Diaz, Rosalinda Faustino at magkapatid Rosegie at Rosejean Ramos.

Nasa 10,000 atleta galing sa mahigit 400 colleges and universities sa bansa ang kalahok sa competition tampok ang 22 sports na unang nilaro sa Legazpi City at pangalawa sa Bicol Region nauna noong 2009 sa Naga City, Camarines Sur.