Unang salta sa BP, kumabig ng gold!
GENERAL SANTOS CITY - Nakitaan ng determinasyon sina MC Greggy Odal ng Davao Del Sur at Gwen Diaz ng Bohol matapos humablot ng gintong medalya sa Day 2 ng 2025 Batang Pinoy Games na ginanap sa Antonio Acharon Sports Complex, kahapon.
SPORTS
10/28/20252 min read


GENERAL SANTOS CITY - Impresibo ang determinasyon nina MC Greggy Odal ng Davao Del Sur at Gwen Diaz ng Bohol matapos humablot ng ginto sa Day 2 ng 2025 Batang Pinoy Games na ginanap sa Antonio Acharon Sports Complex, kahapon.
Unang sabak sa nasabing event na inorganisa ng Philippine Sports Commission, (PSC) sa pamumuno ni Chairman Patrick "Pato" Gregorio, subalit hindi naging dahilan para masindak sina 16-year-old, Odal at 15 anyos, Diaz laban sa mga mas may experience na oposisyon.
Nilista ni Odal, panganay sa dalawang magkakapatid ang 6.67 meter sa Under-18 Boys Long Jump sapat upang sikwatin ang ginto sa 6-day competition para sa mga batang may edad 17 anyos pababa.
"Hindi ko inexpect makakuha ng medal, first time ko lang kasi nakasali sa Batang Pinoy," masayang sabi ni Odal na nangangarap na makapag-aral sa University of Sto. Tomas sa Manila para maging atleta.
Hinablot naman ni Diaz ang gold medal sa Under-16 Girls High Jump matapos lundagin ang 1.50m, kahapon din ng umaga.
Inamin ni Diaz na hindi niya inakalang makakakuha rin ng gintong medalya.
"Actually ang sport ko talaga ay basketball hindi ko inakalang dito ako lalaban," saad Diaz.
Nakopo ni Iyobosa Eve Omokaro ng Leyte ang silver habang bronze medal ang nahablot ni Erica Faye Casumpang ng South Cotabato.
Samantala, hinablot ni International Master Christian Gian Karlo Arca ng Zamboanga ang gold medal matapos magkampeon sa Standard Chess Championship 16AC Boys.
Napunta ang silver medal kay Mark Gabriel Usman ng Laguna habang bronze ang naiuwi ni King Lanz Pamplona ng Iloilo. (EM)
Kyle Nathan Cue ng Zamboanga City


Mc Greggy Odal ng Davao Del Sur
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09451935742
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato
