UNBEATABLE TEAM BAMBOL SA POC POLL
TATLONG gintong medalya sa dalawang Olimpiyada at apat na Asian Games gold medals—kabilang na ang men’s basketball title—ang nagpatingkad sa liderato ni POC president Abraham ' Bambol Tolentino sa kanyang apat na taon bilang pinuno ng naturang Olympic family ng bansa.
OPINION
Danny Simon
11/7/20241 min read


TATLONG gintong medalya sa dalawang Olimpiyada at apat na Asian Games gold medals—kabilang na ang men’s basketball title—ang nagpatingkad sa liderato ni POC president Abraham ' Bambol Tolentino sa kanyang apat na taon bilang pinuno ng naturang Olympic family ng bansa.
Idagdag pa sng overall championship ng Pilipinas sa matagumpay na hosting ng 30th edition ng Southeast Asian Games noong 2019 kung saan ay humakot ang Filipino athletes ng 149 gold, 117 silver at 121 bronze medals sa 56 sports—na higit sa 50 golds ang lamang kontra second-placed Vietnam.
Isang napakahirap na misyoņg mahirap nang pantayan —naka- produce ng isang Carlos Yulo na nagwagi ng dalawang gymnastics gold medals sa Paris 2024 at nauna pa dito ang handog na buenamanong gintong medalya ni lady weightlifter Hidilyn Diaz-Naranjo noong Tokyo Olympics 2020.
“It’s about teamwork, it’s about setting and achieving goals, it’s about cooperation,” ani Tolentino kasabay ng pag - anunsyo ng tinagurian niyang “My Working Team” para sa nalalapit nang POC elections sa November 29 sa the East Ocean Palace Restaurant na nasa Paranaque City.
"The POC holds elections once every four years—or one Olympic cycle—specifically on the last Friday of November of an Olympic year." aniya.
Sa November elections,si Tolentino na pinuno ng cycling federation mula 2008, ay hangad ang panibagong four-year mandate bilang presidente ng pinakamataas na sports-governing body sa bansa. Binubuo ng kanyang “Working Team” nina Alfredo “Al” Panlilio (basketball) First Vice President, Rep. Richard Gomez (modern pentathlon) bilang Second Vice President, Dr. Jose Raul Canlas (surfing) Treasurer at Donaldo “Don” Caringal (volleyball) as Auditor and Alexander “Ali” Sulit (judo), Ferdinand “Ferdie” Agustin (jiu-jitsu), Leonora “Len” Escolante (canoe-kayak) at Alvin Aguilar (wrestling) at sina Leah Jalandoni Gonzales (fencing) bilang members of the Executive Board.
“This is ‘My Working Team’ and the mission is ‘Faster, Stronger, Higher—Together,’”ani pa Tolentino.
Makatutunggali ng kasalukuyang alkalde ng Tagaytay City sa dating commissioner ng PSC at pangulo ng Philippine Baseball Federation na si Chito Loyzaga.


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato