UNO-R volley squad, balik ROTC Games National Finals
BACOLOD CITY – MAGBABALIK ang University of Negros Occidental-Recoletos (UNO-R) sa ikalawang sunod na National Finals matapos ipagtanggol ang korona sa pagbigo sa Carcar City of Cebu sa Air Force volleyball event ng papatapos na Visayas leg dito ng 2024 Philippine Reserve Officer’s Training Corps (ROTC) Games.
SPORTS
Danny Simon
6/2/20242 min read


BACOLOD CITY – Pinangunahan ng Iloilo Science and Techonology ang Philippine Army, Cebu Technological Univeristy-Moalboal ang Philippine Navy at University of Negros Occidental-Recoletos ang Philippine Air Force ang medaly sa pagtatapos dito ng 2024 Philippine Reserve Officers Training Corps (ROTC) Games hapon ng Sabado. Pinakamaraming iniuwi naman na medalya ang magkapaid mula sa Philippine Army na sina Angela Maree na may anim na gintong medalya at si Mary Angelee Tabia na may limang ginto sa swimming. Si Angela Maree ay wagi sa 200m IM, 50m backstroke, 100m backstroke, 200m backstroke habang si Mary Angelee ay wagi sa 200m breaststroke, 100m breastroke at 50m breastroke.
Tinulungan din ng dalawa ang ISAT sa ginto sa pagwawagi sa girls 4x50m rrelay at 4x50m freestyle relay kasama sina Khyte Robelle Solis at Aila Grace Cayongcong. pati na sina Tinipon ng ISAT ang 17 ginto, 14 pilak at 5 tansp para sa kabuuang 36 medalya upang pamunuan ang sangay ng Philippine Army sa Visayas qualifying leg ng torneo na eksklusibo para sa mga kadete ng bansa na nagnanais na maging parte ng puwersang military.
Pangalawa ang Carlos Hilado Memorial State U na may 12 ginto, 7 pilak at 17 tanso para sa kabuuang 36 medalya. Pangatlo ang Cebu Normal U (11-4-8=23) habang pang-apat at panglima ang Capiz State U (7-6-6=19) at Univeristy of Antique (5-5-11=21). Nagwagi ang Cebu Technological University-Moalboal Campus ng 8 ginto, 3 pilak at 1 tanso para sa kabuuang 12 medalya sa pangunguna sa Philippine Navy Kasunod nito ang Cebu Technological U-San Francisco Campus na 6 ginto at 1 pilak para sa 7 medalya.
Kinumpleto ang Top 5 ng Iloilo State University of Fisheries and Techonology na may 5-4-1=10 (ginto-pilak-tanso at total) kasunod ang John B Lacson Maritime U .(4-2-0=6) at John B Lacson College Foundation-Bacolod (4-1-0=5). Ang Philippine Air Force ay pinamunuan ng UNO-R na may 20 ginto, 7 pilak at 6 tanos para sa 33 medalya kasunod ang West Visayas State U- Januay Campus na may 8-5-5=18. Pangatlo hanggang panglima ang Bago City College (6-5-4=15), Abuyog Community College (3-6-9=18) at Philippine State College of Aeronautics (3-6-5=14).
Samantala’y limang atleta sa Philippine Air Force ang nakakolekta ng tig-apat na gintong medalya na binubuo nina John Lloyd Moreno, Rome Jhed Ojeno, Marla Jean Bacaro, Ella Villarias, at Ciara Largavista Si Moreno ay nagwagi sa men;s 800, 1,500m run, 4x400m at 4x100m habang si Ojeno ay wagi sa 100, 200, 4x400 at sa 4x100. Si Marla Jean Bacaro ay nagwagi sa long jump, 100m, 4x100 at 4x400 habang ang nakababata nitong kapatid na si Angelica ay nakapagwagi ng tatlong ginton sa 1,500m, 4x100, at 4x400m.
Si Villarias ay nagwagi sa 4x100, 4x400, 200m at shotput habang si Largavista ay wag isa women’s 800m, 1,500, 4x100 at 4x400m. Pinaglabanan sa torneo ang mga sport na Arnis, Basketball, Boxing, Chess, Esports, Kickboxing, Raider's, Sepak Takraw, Shooting, Swimming, Table Tennis, Taekwondo, at Volleyball.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato