UP Fighting Maroons dinurog sa 'G1' ang DLSU Green Archers, 97-67!

Umusad ang UP Fighting Maroons sa dalisidis ng pagbawi sa korona ng UAAP Men's Basketball na nabigo noong nakaraang season.

UAAP

11/30/20232 min read

Games Sunday

(Smart Araneta Coliseum)

8 a.m. – FEU-D vs UST (Boys)

10 a.m. – UPIS vs DLSZ (Boys)

12 noon – UST vs NU (Women Finals)

4 p.m. – DLSU vs UP (Men Finals)

Umusad ang UP Fighting Maroons sa dalisidis ng pagbawi sa korona ng UAAP Men's Basketball na nabigo noong nakaraang season.

Nalusaw ang inaasahan sanang isang dogfight sa finals game sa loob ng 25 taon nang pulbusin ng Fighting Maroons ang De La Salle Green Archers, 97-67, sa Game One ng Season 86 best-of-three Finals, Miyerkules sa siksikang SM Mall of Asia Arena.

Ang 30-point win ng UP ang pinakamalaking margin ng tagumpay sa finals game mula noong 1998 nang talunin ng La Salle ang Far Eastern University ng 25, 72-47, noong Season 61.

At ang depensa ang susi ayon kay third-year Fighting Maroons head coach Goldwin Monteverde, na nililimitahan ang nangunguna sa liga ang La Salle sa 67 puntos lamang — bumaba ng 13.57 puntos mula sa kanilang average bago ang Final Four — habang nilimitahan din sila sa 35 rebounds lamang — bumaba ng 12.97 boards mula sa kanilang mga pamantayan.

"Yung team really executed the game plan and defense was really great," saad ni UP head coach Goldwin Monteverde kung naipanalo ng kanyang tropa ang lahat ng Game Ones sa tatlong magkakasunod na Finals appearances ngunit sa dalawang nakalipas na seasons, na ang parehong serye ay nauwi sa deciding Game Three.

"We just have to sustain and know that the Finals will not be won with one game but it's a series. Dapat we have to know what to work on and be ready for the next game."

Ungos na ng 12 papasok sa second half, humiwalay ang Fighting Maroons nang pinasabog nina Francis Lopez at Harold Alarcon ang depensa ng Green Archers, pinagsama ang 17 puntos sa canto, nang itinayo nila ang 77-55 lead sa pagpasok sa fourth.

Sinubukan ni first-year Green Archers head coach Topex Robinson na humanap ng ningas sa kanyang malalim na bench para simulan ang fourth, gamit sina EJ Gollena, JC Macalalag, at Earl Abadam ngunit hindi ito nagtagumpay.

"Obviously UP just showed us why they're the number one team in the UAAP right now. At this point, we really can't look for other excuses but to bounce back," wika ng dismayadong si Robinson.

Sasabak ang UP para sa kampeonato sa Linggo, 4 p.m., sa SMART Araneta Coliseum habang sisipatin ng La Salle ang makapuwersa ng decider. EM

Iskor:

UP 97 — Alarcon 21, Lopez 15, Cagulangan 11, Abadiano 10, Torculas 9, Diouf 9, Cansino 5, Belmonte 5, Fortea 5, Felicilda 4, Pablo 3, Briones 0, Torres 0, Alter 0, Gagate 0.

DLSU 67 — M. Phillips 19, Quiambao 11, Nelle 8, Austria 6, Nonoy 5, Cortez 4, Gollena 4, Escandor 3, David 2, Policarpio 2, Abadam 2, Manuel 1, B. Phillips 0, Macalalag 0, Nwankwo 0.

Quarterscores: 28-24, 53-41, 77-55, 97-67