URCC KAOGMA SA CAMSUR 3 FOR SURE

MATAPOS ang back to back success ng URCC Kaogma Collision 1 at 2 sa Pili, Camarines Sur,buong pagmamalaking ipinahayag ni Universal Reality Combat Championship founding president Alvin Aguilar na masusundan na ang back- to -back hit ng kaganapang inihandog ng Villafuerte political clan sa kanilang constituents na entusyastiko sa mga bakbakan sa ruweda.

OPINION

DANNY SIMON

5/27/20252 min read

MATAPOS ang back to back success ng URCC Kaogma Collision 1 at 2 sa Pili, Camarines Sur,buong pagmamalaking ipinahayag ni Universal Reality Combat Championship founding president Alvin Aguilar na masusundan na ang back- to -back hit ng kaganapang inihandog ng Villafuerte political clan sa kanilang constituents na entusyastiko sa mga bakbakan sa ruweda.

" I like to thank the Villafuertes, our host in this successful staging of the

big fight night dubbed as URCC Kaogma Collision 2 in the full packed Fuerte Coliseum held over the weekend.

Completos recados from action -packed undercards, explosive 3 v 3's,Korean MMA champion against a Pinoy bet capped by title fight between veteran grappler tbe URCC champion Eros Baluyut vs worthy challenger Rene Catalan, Jr.", sambit ng naging jujitsu international champion at kasalukuyang pangulo ng Wrestling Association of the Philippines at opisyal ng Philippine Olympic Committee( POC) na si Aguilar.

Tunay ngang entusiyastiko ang mga Bicolano sa combat sport kaya kahit na may kasabayan sa tapat ng venue ay may battle of the bands ay dinagsa ang Fuerte Coliseum ang box office hit na 2025 URCC MMA Collision 2 , dagundong ang mga hiyawan ng giyera sa ruweda at nasapawan ang battle of the band katapat ang MMA bakbakan.

" Ngayon pa lang ay akin nang ipapahayag na masusundan na ng 3rd edition ang banggaan ng mga best bets ng URCC MMA foreign blended at local warriors sa susunod na edition dito sa CamSur..BAKBAKAN NA NAMAN..", ani pa Aguilar.

Sa corner naman ng Uppercut ay saludo at pugay ang ating maiaalay sa husay na mag- organisa ng higanteng kaganapan tulad ng naturang bakbakan sa Kabikulan kaya hats off tayo kay Chief Alvin Aguilar at sa lahat ng bumakbak na napaka- professional ng kanilang banggaan sa ruweda at ang pinaka mahalagang aspetong hatid nito ay disiplina, dedikasyon, patriotismo at dedikasyon sa bawat encuwentro sa ruweda. PUGAY!

Nagpasalamat ng todo si Aguilar bukod sa Villafuertes opkors sa Games and Amusement Board (GAB ), ang ahensia ng gobyerno na may timon para sa kapakanan ng professional athletes ng bansa. High five kay GAB chairman Atty Francisco Rivera,at commissioner Angel Bautista at special mention sa mga kinatawan ng GAB na sumaksi sa huge success ng Collision 2 dito sa Camsur.

Of course sa men behind the success ng Collision 2 sa likod ng telon sa timon ni bossing Aaron Catunao..BOW!