USAPANG KAMPEON AT PLAYERS' MANAGERS SA TOPS PSC
ATLETANG kampeon at mga opisyal na gumagabay sa kanilang tagumpay ang tampok na panauhin sa dalawang session sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippines Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes (Nov. 9) sa PSC Conference Room sa Rizal Memorial Sports Complex (RSMC) sa Malate, Manila.
SPORTS
Enjel Manato
11/8/20232 min read


ATLETANG kampeon at mga opisyal na gumagabay sa kanilang tagumpay ang tampok na panauhin sa dalawang session sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippines Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes (Nov. 9) sa PSC Conference Room sa Rizal Memorial Sports Complex (RSMC) sa Malate, Manila.
Mabibigyan ng pagkakataon ang publiko na matunghayan ang mga plano at paghahanda ni Philippine table tennis women’s No.1 Kheith Rhynne Cruz at nakababatang kapatid na si Khevine sa programa ganap na 10:30 ng umaga sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.
Pinatibay ng 16-year-old na si Kheith Rhynne ang katayuan bilang ‘Philippine future’ sa larangan ng table tennis matapos makamit ang kampeonato sa U19 girls singles at silver medal sa U17 ng World Table Tennis (WTT) Youth Contender nitong nakalipas na buwan sa Puerto Princesa, Palawan.
Makakasama ni Cruz sa programa ang 14-anyos na kapatid na si Khevine na nagwagi ng silver medal sa U-11 boys' singles category sa naturang torneo noong 2022 sa Bangkok, Thailand, gayundin ang pangulo ng Philippine Table Tennis Federation (PTTF) na si Ting Ledesma.
Sa ilalim ng liderato ni Ledesma umusbong ang talent ng magkapatid na Cruz, gayundin ang iba pang local netter na kumabig din sa World youth tilt tulad nina Ray Joshua Lawrence Manlapaz (silver, U19 and U17 boys), Adelle Leopoldo (silver, U11 girls), Chrishien Santillan (bronze, U19 girls), Zachi Mhiel Chua (bronze, U19 girls), Emmanuel Yamson (bronze, U19 boys), at Matthan Jamin (bronze, U11 boys).
Panauhin din para magbigay ng kanilang pananaw sa katayuan ng professional basketball ang dalawang batikan at kinikilanang sports agent/manager na sina Danny Espiritu at Architect Reynaldo Punongbayan.
Kilala bilang ‘Boss Danny’, si Espiritu ang gumabay sa career ng napakaraming PBA players mula pa noong dekada 80 kabilang ang mga superstars tulad nina one-time MVP Ato Agustin at Paul Alvarez, habang si Punongbayan ang syang gumagabay sa mga bagong henerasyon ng pro players.
Bukod sa pagiging agent/manager, si Punongbayan ay team consultant ng Lyceum of the Philippines at dating pakner sa Construction business ni dating Senator at tinaguriang basketball living legend na si Robert Jaworski Sr.
Inaanyayahan ni TOPS president Maribeth Repizo ang mga opisyal at miyembro, gayundin ang mga sports enthusiast na dumalo at makilahok sa programa na mapapanood din via livestreaming sa TOPS Usapang Sports facebook page at sa Channel 8 ng Pinoy Ako (PIKO) Mobile TV na puwedeng ma-download sa inyong Android phone.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato