IN GOD WE TRUST
UTAK - TALANGKA SA SPORTS
MAY nababanaag ang korner na ito sa duming maglaro o foul play ng mga utak - talangka sa larangan ng SIKARAN kung saan ang tagumpay na tinatamasa ng isang kababayan partikular sa international na rekognisyong mundial ay kanila pang pinupulaan.
SPORTS
ni Danny Simon
2/22/20262 min read


MAY nababanaag ang korner na ito sa duming maglaro o foul play ng mga utak - talangka sa larangan ng SIKARAN kung saan ang tagumpay na tinatamasa ng isang kababayan partikular sa international na rekognisyong mundial ay kanila pang pinupulaan.
May mga taong halos madedbol sa inggit tulad ng ginagawa ng isang anak lang ng lider ng paksyon ng Sikaran na nakabase sa 'Tate na ginawang hanapbuhay ito sa mga entusyastikong Pinoy sa Estados Unidos, ang pasimuno sa maruming taktika ng laban.
Ayaw nilang nasasapawan sila ng tunay na paksyon ng Sikaran (POC-recognized)sa aspeto ng mga legit na aktibidades at pagkilala ng mga prestihiyosong award- giving bodies mula USA, India, Europe maging dito sa Pilipinas na sa halip maging proud sila dahil sa karangalan ito ng bansa ay binabanatan pa( lalo ni JB) si Tanay Raven Sikaran at WSF Master Crisanto Cuevas ng below the belt at tinitira ng talikuran ng super inggitero to the max gamit ang social media.
Ang pakikipagtuos ng certain alyas A. Catolos(pakawalang tirador ng pamilya B sa itinuturing nilang kalaban) ay wala sa hulog at very unprofessional lalo na ang gawa nitong pambubully na kung talagang matapang siyang Sikaranista ay gumamit dapat ng patas na paraan tulad ng paglantad ng tunay na pangalan at hindi alyas na ginagamit ang platform ng socmed para magbulalas ng mga basurang kataga eh karuwagan naman iyan.
Ang pahayagang binabasa mo alyas AC ngayon ay lehitimong mainstream media na isang nationwide circulation at higit 3 dekada nang naghahatid ng impormasyon sa bansa ay dapat lang na mabalatan ang isang tulad mong dirty player na walang puwang sa larangan ng sports partikular sa Sikaran.
Payo lang sa mga may crab mentality tulad nitong alyas Alex C, hinay lang sa paninirang puri gamit ang socmed dahil me katapat na parusa iyan sa cyber law international kaya malapit na umano itong patulan ni Master Cuevas pati mga kakomplut niyang kapamilya sa paninira sa pagkatao ng multi-awardee na sa larangan ng martial arts kung ayaw niyong maging hayahay ang buhay sa hoyo ng Tanay..hinay-hinay..!
Kung inggit kayo; need niyong lumagpas kay Cuevas sa kanyang mga parangal na legit na nakakwintas para kayo naman ang gawaran ng Hall of Fame award na di nabibili ng kung sino lang kundi iyong mga deserving at pinagpaguran ang karangalan. Kaso wala kayo niyan .. KASO meron pag di niyo tinigilan ang panggigiba sa taong moog na at hatid ay tunay na karangalan para sa bayan.
Paano ka Alyas A irerecognize ng world martial arts community ay basketball personalities ang pino-promote mo sa social media kaya mag- dribble ka na lang at hayaang pasikatin pa ni Cuevas ang Sikaran sa world stage.
Kay Master Cuevas buhay na buhay ang Sikaran sa Tanay dahil suportado siya ng LGU partikular ng mga Tanjuatco, siya ang kilala di kayong utak talangka sa sports. Magsikaran wag magsiraan ani Master C.
Gawa huwag puro ngawa alyas AC.. take it EASY!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
