Vladimir Lait nagkampeon sa Mapua Centennial Chess Cup /GM Eugene Torre Rapid

KLASIKONG pagtatapos ito para kay Vladimir Lait na nagkampeon sa ìdinaos na Don Tomas Mapua Centennial Chess Cup-GM Eugene Torre Rapid Tournament na ginanap sa Mapua Gymnasium sa Muralla Street, Intramuros, Manila kamakalawa.

SPORTS

Abby Pamplona

1/19/20252 min read

KLASIKONG pagtatapos ito para kay Vladimir Lait na nagkampeon sa ìdinaos na Don Tomas Mapua Centennial Chess Cup-GM Eugene Torre Rapid Tournament na ginanap sa Mapua Gymnasium sa Muralla Street, Intramuros, Manila kamakalawa.

Si Lait, isang Grade 12 student ng Mapua University ay nakakuha ng perpektong 7.0 puntos upang matanggap ang champion purse na P10,000 para sa unang pwesto.

Umiskor ng mga panalo ang Pasig City pride na si Lait laban kina Kyla Marie Vallesfin, Gian Ztdric Sucao, Allan Anthony Alvarez, Rodel Bobila, Alexsis Enrico Jacinto, Christian Arroyo at Glenn Midel Delos Santos, ayon sa pagkakasunod.

"I am very happy with my victory,"sambit ng soft-spoken na si Lait, na nagwagi ng Rookie of the Year award sa NCAA Season 100 o sa 2024–25 season ng National Collegiate Athletic Association chess team tournament.

Sina Arroyo at Arjoe Loanzon ay tumapos sa torneo ng similar 6.0 points; habang sina Delos Santos, John Paolo Gaspar Medina, Austin Jay Tablan, Daniel Mondares at George Quinto ay may identical 5.5 points.

Pasok sina Bobila at Jacinto sa top 10 na may tig 5.0 points.

Nasilayan sa rapid division ang 100 woodpushers.

Sa blitz category, nagwagi si Von Arvie Barbosa ng Taytay, Rizal na may 8.0 points sa siyam na outings. Nakuha nina Mark Tupas, Christian Roche Thompson at Marlon Montoya, kapwa may 7.5 puntos, ang ikalawa, ikatlo at ikaapat na puwesto.

Nakuha nina David Mojar at Stephen Von Estavillo ang ikalima at ikaanim na puwesto na may tig-7.0 puntos habang sina Enrique Naperi, Mark Joseph Barbosa, John Christopher Alvarado at Karl Christian Coleto ay nakapasok sa top 10 na may tig-6.5-puntos.

Ang blitz division ay umakit ng 100 woodpushers.

Ang kaganapan, na nagtatampok ng 100 chess boards, ay binuksan ni GM Eugene Torre, ang unang Grand Master ng Asia, Dr. Dodjie Maestrocampo, Pangulo ng Mapúa University at Police Brigadier General Nicolas Torre III, ang direktor ng Criminal Investigation and Detection Group at Mapúa alumnus. Ito ay inorganisa ng Mapúa Institute of Technology Filipino-Chinese Alumni Association, Inc., sa pakikipagtulungan ng Mapúa Athletics at Mapúa University Sports Enthusiasts Organization (MUSEO).

Si Vladimir Lait (ikalima mula kaliwa) ay tumanggap ng kanyang P10,000 para sa pagkapanalo sa Don Tomas Mapua Centennial Chess Cup presents GM Eugene Torre Rapid Tournament na ginanap sa Mapua Gymnasium sa Muralla Street, Intramuros, Manila noong Sabado, Enero 18, 2025. Si Lait, isang Grade 12 student ng Mapua University ay nakakuha ng perpektong 7.0 puntos.