VM TO BE MONSOUR NA-MISS NG MAKATEÑOS

DI mahulugang karayom ang bawat campaign sorties ng Nancy Binay-Monsour Del Rosario duo na tumatakbong Mayor at Vice Mayor respectively sa Makati City.

OPINION

DANNY SIMON

5/1/20252 min read

DI mahulugang karayom ang bawat campaign sorties ng Nancy Binay-Monsour Del Rosario duo na tumatakbong Mayor at Vice Mayor respectively sa Makati City.

Mabigat ang laban ng tambalang Binay-Del Rosario kontra kampo ng Campos- Peña pero ayon sa pulso ng Makateños ay kailangan nang sagipin ang mahal nilang lungsod sa pagkasadsad dahil sa di maka-

mamamayang palakad ng incumbent administration kung saan ay nasapawan na ang dating tanyag na siyudad sa aspeto ng progreso, kalinga at malasakit sa constituents partikular ang mga kabataan, senior citizens at PWD's.

Sa ekslusibong panayam ng UPPERCUT kay Vice Mayor to be Monsour, nanghihinayang aniya siya sa mahaba-habang panahon na natengga ang isa sa pinakamayamang lungsod noon sa bansa at halos ay sadsad ito sa ekonomiya at napabayaan ang kapakanan ng mamamayang kanyang ka-lungsod.

Ang mga nagtatayugang gusali sa Makati business district ang tanging palamuti na lang ng asensong buhay , noon iyon dahil may mga nagsulputang mas modernong distrito kalakal sa Taguig, Mandaluyong, Pasig atbp.

Ang tunay na larawan ng masasayang Makateños noon na mga residente ng barangay at distrito noong nasa mabuti pang kamay ito pero sobrang lungkot nila nang mawala pa ang mga kapit- barangay nilang EMBOS na napunta sa Taguig City.

"Nakakalungkot dahil nag deteriorate ang ating mahal na lungsod gawa ng bulok na sistemang umiral nang lilipas nang pamunuan. "Nababahala na kaming mga taga-Makati na baka lalo pang malubog sa kumunoy na mahirap nang umahon kapag sila pa rin ang magpapatuloy ng pamamahala at baka matuyo na ang balon na dati ay umaapaw sa kasaganaan ang mahal nating Makati kung kaya mistulang tumitingin na lang sa kawalan ang ating mga kabataan, senior citizen at ang mga kalungsod nating may mga kapansanan." wika ni dating Makati Councilor at former Representative Monsour Del Rosario na misyon niyang guminhawa at di na nahihirapan sa yellow card at gcash.

Madamdaming yakap at himok ang lahat ng nakadaupang palad na Makatenos partikular ang mga adults at seniors na nakatikim na ng tunay na paglilingkod ni champ Monsour noong Konsehal siya at Congressman ng Makati.

Nagulat din ang athlete-actor turned public servant na si Monsour sa pangungulelat ng Makati City sa aspeto ng edukasyon, imprastraktura, pati sa larangan ng sports -ang larangang nagpatanyag sa kanya bilang Olympian, world champion, Asian champion sa larangan at taekwondo kung saan ay nabigyan niya ng karangalan ang Pilipinas.

Kung ako'y papalarin at pagkatiwalaang muli ng ating kalungsod ay ipararamdam ko muli ang purong serbisyo sa ating konstituwente katuwang ang ating matibay na Mayor to be ( Sen. Nancy Binay) at ang makakaagapay natin sa Konseho.

Serbisyong pang-tao hindi ng pambulsa lamang.Iaangat natin muli ang lungsod Makati"; ani pa Monsour sa kanyang pakipagpulong sa punumpunong venue sa Pio del Pilar na iniorganisa ng Samahang Culi Culi sa pangunguna nina Deo dela Cruz( Pres.), VP's ,Pong San Juan at Francis Cosio at Sec. Baby Binaý Suarez- treas.at op kors sa timon ni Sec. Dennis Cerdena. At ito ang sure sa bagong pamunuan..FREE WIFI!

Heto na ..BINAY- MONSOUR NA!