VOTE HER FOR ME!

Bago ang dambuhala at makasaysayang pag-withdraw sa senatorial race ni champion philanthropist Francis Leo Marcos ay naka-bonding niya sa masaganang tanghalian si reelectionist Senator Imee Marcos kasunod ng pagkatig ng Supreme Court at atasan ang Comelec sa bisa ng TRO na isama sa balota si FLM, kaugnay ng political plan at istratehiya ng dalawang Marcos

PEOPLE* PLACES* EVENTS

DS

1/25/20251 min read

VOTE HER FOR ME! Bago ang markado at makasaysayang pag-withdraw sa senatorial race ni champion philanthropist Francis Leo Marcos ay lumabas sa eksklusibong post ang larawang ito na ka-bonding ni FLM sa masaganang tanghalian si reelectionist Senator Imee Marcos.

Kamakailan lang ay kinatigan ng Supreme Court at inatasan ang Comelec sa bisa ng TRO na pawalang -saysay ang disqualification at isama na sa balota ang pangalang Francis Leo Marcos sa pag-imprenta na magreresulta ng dalawang Marcos sa talaang ihahalal ng bayang botante.Kasunod naman ang higante at sorpresang pangyayari ng pagbawi ng kandidatura ni FLM noong Biyernes, Enero 24 na tinuturing na isang supreme sacrifice para sa sambayanan ng batang Marcos upang bigyang-daan tuluyan ang ballot printing na nakasalba ng daang milýones na magagasta para sa paglimbag ng naturang èlection paraphernalia.

Naging palaisipan tuloy sa madla na ang naturang larawan nga ba ang susi ng pinakamalaking political decision ng winnable senator na si FLM na nagsabing kaya niyang magbigay-daan dahil mahal niya ang "Ate "Senadora Marcos at ang bayan for a causè? Kanyang hiling sa milyones niyang followers na suportahan ang political icon na si Imee sa Mayo 12 national midterm election. DS