Wala bang boxing sa 2028 Olympics?

Hindi pa sigurado na may boxing sa 2028 Olympics. Ang International Olympic Committee (IOC) ay maglalabas ng kanilang desiyon sa mid 2025 kung magkaka- boxing event sa 2028 Los Angeles Olympics. Bakit nagkaproblema ang boxing?

SPORTS

Atty. Ariel Inton

9/2/20241 min read

Hindi pa sigurado na may boxing sa 2028 Olympics. Ang International Olympic Committee (IOC) ay maglalabas ng kanilang desiyon sa mid 2025 kung magkaka- boxing event sa 2028 Los Angeles Olympics. Bakit nagkaproblema ang boxing?

Ayon kay Atty. Ed Tolentino sa kanyang Boxer's Shorts channel na ang International Boxing Association (IBA) na may accredited na 200 boxing association around the world ang siyang pinakamataas na boxing Association sa mundo. Pero di umano ay nadadawit sa corruption sa olympic boxing ang IBA sa mahabang panahon. At ang ilan diyan ay mismong mga Pinoy na boxers ang biktima. At noong 2016 Rio Olympics ay "rigged" ang resulta ng mga boxing matches. Nagkaroon ng imbestigasyon noon at noong 2019 ay kinumpirma nga ng IOC na "rigged" ang boxing matches noong 2016 Olympics. Dahil diyan ay sinuspindi ng IOC ang IBA. Nabalutan muli ang boxing ng kontrobersiya sa Paris Olympics nang nagkaroon ng "gender issue" sa women's boxing.

Ayon kay Atty. Tolentino kung magkakaroon ng panibagong world boxing association na papalit sa IBA na ia-accredit ng IOC ay maaring maisama muli ang boxing sa 2028.

Ano epekto nito sa Pilipinas. Malaki. Dahil sa boxing tayo nakakapag produce consistently ng Olympic medalists. 4 silvers at ilan bronze medals nq napanalunan ng Pilipinas. Kung hindi sana nabibiktima ng di umanong " rigged" matches ang ilan sa mga boksingero natin ay may nag gold medal na marahil sa kanila.

Ganoon pa man ay umaasa ang boxing fans na maisasama pa rin sa 2028 Olympics ang boxing. Abangan natin!