IN GOD WE TRUST
Wala naman dapat tibagin sa testimony ni Dir. MELVIN MATINAG
Inamin ni Dir. MELVIN MATIBAG na wala siyang personal na kaalamanan sa imbestigasyon ng NBI sa kaso ni VP SARA. Tama naman yun dahil hindi pa siya NBI Director noong panahon na yun. So puede ba siya tumestigo?
OPINION
ATTY. ARIEL INTON
7/22/20261 min read


Inamin ni Dir. MELVIN MATIBAG na wala siyang personal na kaalamanan sa imbestigasyon ng NBI sa kaso ni VP SARA. Tama naman yun dahil hindi pa siya NBI Director noong panahon na yun. So puede ba siya tumestigo? Oo naman pero tama ang Defense lawyer Atty. Mark Vinluan na ang testimony niya ay dapat hanggang doon lamang sa FACTS WHICH HE KNOWS OF HIS PERSONAL KNOWLEDGE; THAT IS WHICH ARE DERIVED FROM HIS OWN PERCEPTION( Rule 130 sec 22 , Revised Rules of Evidence).
Abogado rin si NBI Dir Matibag kaya alam niya yan pero nakalimutan lang niya kaya nag request siya sa Defense lawyer to refresh him of the Rule.
Ibig sabihin ang testigo ay maari lamang mag bigay ng testimony sa hukuman kung mayroon siyang personal na kaalamanan base sa kanyang nakita, narinig , naamoy, etc
Hindi puede yun " SABI SABI LAMANG."
Dahil inamin niya na wala siyang personal knowledge sa mga sinabi niya UNDER OATH, ay walang bigat ang pinagsasabi niya at HINDI DAPAT PAGBATAYAN NG HATOL.
Ang maari lamang makuha sa sinabi ni Matibag ay base sa kanyang mga nabasa nang siya na ang NBI Director ay nalaman niya na nagkaroon ng imbesigasyon sa kaso ni VP Sara.
Pero kaya pa isalba ng prosecution ang testimony ni Matibag kung papasok yan sa exception sa HEARSAY ( o sabi sabi) rule. Bahala ang prosecution dyan . Pero pagkatapos ng cross examination kay Matibag at sa sagot niya na HE HAS NO PERSONAL KNOWLEDGE ay hindi naisalba ng prosecution that the testimony falls under any of the exception to the HEARSAY RULE.
Kung si Matibag na ang huling testigo at wala ng ebidensya pang madadagdag sa unang impeachment article na nililitis ay mukhang kulang ang ebidensiya para ma convict si VP Sara sa impeachment article na ito.
Ang aabangan natin ay ang ebidensya ng depensa. Kung sa tingin nila ay kailangan pa nila magprepresinta ng testigo.
Ganoon pa man, alam naman natin na ayon sa isang survey mas maraming Pilipino ang naniniwala na hindi lang ebidensya ang pagbabatayan ng mga senator judges sa paghatol nila kay VP SARA.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
