Walong koponan sa liga and counting.. NEW ERA U NEW TEAM SA NUCAA
OPTIMISTIKO ang league officials na anumang araw ngayon hanggang sa takdang deadline ay makukumpirma na ang paglahok ng tanyag na institusyong New Era University bilang pang-walong koponan at madaragdagan pa na paparada sa pag-arangkada ng National Universities and Colleges Athletic Association (NUCAA) Second Season.
SPORTS
Danny Simon
2/8/20241 min read


OPTIMISTIKO ang league officials na anumang araw ngayon hanggang sa takdang deadline ay makukumpirma na ang paglahok ng tanyag na institusyong New Era University bilang pang-walong
koponan at madaragdagan pa na paparada sa pag-arangkada ng National Universities and Colleges Athletic Association (NUCAA) Second Season .
Ang New Era U na isang pribadong institusyong pang-edukasyon na pag-aari ng INC ay isang non-sectarian na nasa Central Office Complex sa Quezon Avenue at may ipinagmamalaking higit sa 30,000 estudyante.
Ang INC Hunters ay isa sa respetadong koponan partikular sa basketball community.


Ayon kay NUCAA Executive Director Leonardo Andres, nangunguna sa talaan ng mga kumpirmado ang defending champion PCCR kasunod ang IIHIS, ICCT, SPCBA, RTU, ELECTRON at AIMS na tinatayang madaragdagan pa matapos ang final league executive,sports coordinators,
team managers at coaches meeting sa Pebrero 16 sa CAB, Pasay City sa pangunguna ni NUCAA chairman Atty. Carmelo Arcilla
" Kailangang mai-finalize na sa final meeting ang every details ng liga", wika ni Arcilla.
Ang mga kinatawan ng mga nabanggit na koponan ay inaasahang dadalo sa pampinaleng pulong bago ang grandeng opening ng NUCAA Season 2 sa Pebrero 24 sa Ynares Sports Center.
Inaasahan din ang fullforce na presensya sa pulong pinal nina NUCAA VP Red Dumuk, deputy Executive Director Arlene Rodriguez, Treas. Bang Tumapat at Technical official JM Bernarte.
Ang NUCAA Board sa pa ngunguna ni chairman Atty. Carmelo Arcilla (ikatlo mula kanan), executive director Leonardo Andres (ikatlo mula kaliwa) deputy executive director Arlene Rodriguez ( ikalawa mula kanan) at PRO Danny Simon (dulong kanan). Nasa larawan din si Jhay Layug Ocampo (dulong kaliwa), sports director ng Electron College at technical director JM Bernarte matapos ang mahalagang pulong kahapon sa CAB, Pasay City. (kuha ni Menchie Salazar)
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato