'WANG'S ATHLETES SUPPORT': NICE SHOT PSBL!

BILIB ang tanyag na basketball enthusiast/advocator na si Alex Wang sa mga may programang pang-sport partikular iyong mga nakapokus sa kabataan.

SPORTS

Danny Simon

6/14/20241 min read

BILIB ang tanyag na basketball enthusiast/ advocator na si Alex Wang sa mga may programang pang-sport partkular iyong mga nakapokus sa kabataan.

Lalo na sa larangan ng basketball na numero unong pastime sa bansa.

"Start 'em young then fulfill their dreams"wika ni Wang,team owner ng Wang's Ballclub na nasa top 3 ng PBA D- League.

Natunghayan ni Wang sa mga artikulo tungkol sa launching ng Perlas ng Silangan Basketball League (PSBL) na nakapokus sa mga kabataang U21 pababa hanggang 13under at ito ay nationwide ang scope.

Naging adbokasiya na rin ng dating Letranista na si Wang ang basketball de velopment sa mga kabataan o next generation na kanyang sinimulan matapos ang pandemic habang tuloy naman ang 25 years na niyang programa para sa upcoming, collegiate, commercial.veteran cagers at ex-pros sa kanyang wednesday at thursday club sa Aquinas Gym sa San Juan.

"Puwede akong sumuporta in any way I basta para sa basketball development sa mga kabataan.To Mr Christian Ensomo , good luck and congratulations," ani Wang.

Posible rin aniyang isabak sa liga ang team niyang new generation na laging kasama sa mga ensayo ng mga mas m aestro sa larangan ng basketball.

" Hatsoff tayo kay Mr. Ensomo. Good shot nice project for the youth. We're here to support," sambit pa ni Wang.