WANG'S BASKETBALL HANGGANG @ 30 AND BEYOND!
HANGGA'T nakapaglalaro pa ng basketball at dumidribol pa ang bola sa hardcourt, patuloy ang adbokasiya ni businessman/ sportsman Alex Wang, ang bukas na oportunidad para sa mga potensiyal na kabataang basketbolista na mahanap at matupad ang kanilang ambisyon sa hinaharap.
SPORTS
Danny Simon
2/28/20251 min read


HANGGA'T nakapaglalaro pa ng basketball at dumidribol pa ang bola sa hardcourt, patuloy ang adbokasiya ni businessman/ sportsman Alex Wang, ang bukas na oportunidad para sa mga potensiyal na kabataang basketbolista na mahanap at matupad ang kanilang ambisyon sa hinaharap.
Nang malimbag ang kanyang aklat na Wang's @ 25 Beyond Passion, naibulalas ng Letranistang si Wang na nais na niyang i-hang ang kanyang jersey #1 na gamit niyang pang-laro sa scrimmages ka-banggaan ang mga dating pro-player, aktibong commercial at collegiate cagers at upcoming basketeers na nangangailangan lang ng break ùpang madiskubŕe para sa pangarap na bigtime basketball.
Ang jersey number 1 ni Wang ay sumisimbolo ng kanyang noble endeavoùr na pagtulong sa naturang sport nang walang hangad na kapalit o return of investment para sa negosyo kundi isang ASSIST upang maibuslo ng manlalaro ang katuparan ng ambisyon.
Si basketball godfather Alex Wang kasama ang mga players, coaches at media friends sa nakaraang Christmas treat ng Wang's Basketball sa Han Pao Mandaluyong City.
Wang's Book
Totoo ang katagang 'BEYOND' dahil lumipas ang 26th year, 27th at patungo nang 3Oth ay tuluy-tuloy pa rin ang kanyang pagiging pilantropo sa mga manlalaro at lumawig pa dahil pati mga batang 15-anyos pababa sa timon ni coach Jun Magno Guingon ay kanya na ring tinutulungang ihasa ang kanilang talento sa larangan.
Lalo pang tumatag ang kanyang koponan sa D-League ng PBA at mas dumarami ang mga players na nais makabalik-aksiyon sa PBA,mahasa ng husto para sa collegiate leagues pati na ang mga lumalaro sa mga ligang labas.
" I can't help but continue this advocacy,they (players) come and go,andito lang ang Wang's Basketball sa Aquinas,tuluý-tuloy hanggang Wang'@ 30 and ...Beyond ", sambit ng walang sawang umaagapay sa mga nagnanais na magkaroon ng puwang sa bayang basketbolista.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato