IN GOD WE TRUST
WANG'S MIGHTY AT THIRTY
TUNAY na kay bilis ng panahon.
SPORTS
ni Danny Simon
3/10/20262 min read


TUNAY na kay bilis ng panahon.
Parang kailan lang treinta años na pala ang WANG'S BALLCLUB.
Nagsimula ito sa itinatag na Wednesday at Saturday Club ng tropang basketbolista ni sportsman/ businessman Alex Wang na kalaunan ay nadaragdagan ang camaraderie at nabalitaan ito sa basketball community.
Dinaragsa na ng mga entusyastiko sa laro hanggang i-welcome ni Alex W na makipag-scrimmage sa Wang's group saan man nanggaling. hanggang naging Wang's Basketball kalaunan ay Wang's Ballclub.
Noon ay laru-laro lang pero naging isa nang adbokasiya ni AW dahil nakatutulong na siya sa mga basketbolistang naghahanap ng lunduyang mahasa ang talento upang madikubre, praktisan na ng mga collegiate cagers at sandigan na rin ng mga palaos nang manlalaro na hangad na makabalik sa pro league.
Naging mina na rin ito ng mga basketbolistang nagtagumpay sa PBA na naging stepping stone ang Wang's.
Natulungan pa niya ang mga potensyal bukod sa paglalaro ay nabibigyan ng livelihood at employment pa sa kanyang kumpanya ang mga deserving.
Umugong ang Wang's sa amateur/ commercial league na Philippine Basketball League (PBL) kung saan siya ang darling of the press na team manager ng Kendi Mint.
Naging team honcho ng Ph team sa SEABA women's Championship kung saan ang head coach noon ay si ex-PBA Fritz Gaston na commissioner ngayon ng Philippine Sports Commission.
Naging muti-titled team ang Wang's sa Millenium Basketball League( MBL) kaya maraming nadiskubreng manlalaro sa kanyang kuwadra na sumikat at yumaman na sa PBA.
Lalo na nang nakalahok na ang Wang's sa PBA D-League na naka-produce din ng mga sikat na players mula farm to pro-league.
Hindi birong gastos ang nabubunot ni Wang's kada Sabado at di birong panahon ang gugol niya na wala namang hangad na kapalit.
Tropeo na ni Wang ang makitang tagumpay sa buhay ang mga natulungan niyang cagers sa suporta na rin ng kanyang pamilya na ang piping saksi sa kanyang kadakilaan ay ang Aquinas Gym sa San Juan.
Hangga't nakaka-dribble , pumupukol ng tres at kaya pang barreling drive ni Alex ay patuloy ang kanyang noble endeavour lalo ngayong pumopokus na rin siya sa mga kid cagers may potensyal maging basketball superstar balang araw sa giya rin ni coach Jun Guingon.
Bukod naman sa golf ay may bagong sport sa kanyang kwadra na pasok sa kanyang adbokasiya,ang larong pickleball.
Thirty years and counting..tuloy ang camaraderie ng Wang's sa hardcourt ng Aquinas na balitado sa buong Pilipinas.NAMBER WANG!
Lowcut: Special shoutout sa ating bagong ka- gilas na si G.Victor Masendo Villaro diyan sa Wack Wack ,San Juan at Dapdap sa Pilar, Sorsogon.Welcome to the club.. PUGAY!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
