IN GOD WE TRUST

WINNERS' ALL PARA KAY CONG. BAMBOL

ISA siyang tunay na lucky charm sa Philippine Sports.

SPORTS

DANNY SIMON

1/20/20262 min read

ISA siyang tunay na lucky charm sa Philippine Sports.

Strong will , determination, at tiwala sa kakayahan ng atletang Pinoy lakip ang di matatawarang kalinga ang poŕmuĺ ni Philippine Olympic Committee( POC) Cong. Abraham 'Bambol‘ Tolentino kung kaya umaani ng sunud-sunod na tagumpay ang Team Philippines na dumarayo sa international competitions.

Matapos ang halos isang siglong tagtuyot partikular sa pagsungkit ng mailap at madulas na Olympic gold medal ay sa isang kisap-mata lang ng kanyang liderato, binuhat ni lady weightlifter Hidilyn Diaz ang buwenamanong tagumpay at naitala ang makasaysayang kauna-unahang gintong medalya sa Olimpiyada sa Tokyo.

Sinundan ito ng di lamang isa kundi dalawang gold medal pa ng Pilipinas kortesiya ni gymnast Carlos Yulo sa Paris Olympics ‘24 na ipinagbunyi ng lahat ng Pilipino dito at sa buong mundo.

Siyempre mahal ni Bambol ang atletang Pinoy winners man maging ng di pa nakakapag-uwi ng medalya dahil alam niyang darating din ang araw ng kanilang tagumpay. Lahat aniya ay potensyal manalo, matalo ka man ngayon, tiyak na me resbak sila kaya alaga niya ang ating magigiting na bayani sa larangan ng international competitions.Winners all!

Kaya naman kapag nakita mo ang mga pinagawang sports infra ni Cong.Bambol sa kanyang balwarte sa Tagaytay ay masasabi mong sulit ang gastos sa mga imprastraktura sa sa sports ay mapapa-wow kang tunay…Sport for all para kay Cong Bambol!

*********

Salamat sa suporta.. GO YOUNG ARTISTS & ATHLETES GO!"

GOOD news para sa mga batang alagad ng sining af palakasan sa Kabikulan.

Tutulak na ang Biyaheng Bicol ng Danisimon Free Arts & Sports Clinic na may temang Go young artists and athletes GO tungong Sorsogon.

Layon ng kaganapang inorganisa ng inyong kakorner visual artist at sportswriter ang maturuan ng basic na kaalaman sa larangan ng sining ang mga potensyal na mga batang Bicolano at matuto rin ng karunungan sa larangan ng palakasan sa iko - conduct na clinic ng mga piling sports experts ng Gilas.

Ang naturang kaganapan ay iko-conduct sa Enero 28,2026 sa Dapdap, Pilar( Pilartists), Sorsogon. ABANGAN! Acknowledgments: PSC Comm.Walter Torres, Comm.Edwaŕd Hayco, Comm. Fritz Gaston, Joseph Ronquillo-SVP Cocolife, Ar Jayzee Celestial,Mr.Tariq Butt of PhilPak, Danny Espiritu and Mr.Keiji Katayama of KBA Stàrs. MABUHAY!