Wish na tutuparin ni pres.Tats Suzara.. HAYBOL PARA SA PH VOLLEYBALL
TUTUPARIN ng volleyball top brass sa Pilipinas na si Ramon 'Tats Suzara ang magkaroon ng sariling tahanan ang larangan ng volleyball sa bansa sa madaling hinaharap.
SPORTS
Ni Danny Simon
8/11/20251 min read


TUTUPARIN ng volleyball top brass sa Pilipinas na si Ramon 'Tats Suzara ang magkaroon ng sariling tahanan ang larangan ng volleyball sa bansa sa madaling hinaharap.
Ang pangulo ng Philippine National Volleyball Federation(PNVF) at presidente ng Asian Volleyball Confederation (AVC)na si Suzara ay misyon niyang magkaroon ng sariling bahay na màgsisilbing official venue ng men / women's team at pro-am volleyball tilts na mga malalaking kaganapang pang-lokal at international na mga dambuhalang kaganapan sa Olympic sport na volleyball.
" Noon pa ay wish ko nang magkaroon ng sarling tahanan ang volleyball ng ating national sports association(NSA) na Philippine National Volleyball Federation na magsisilbing venue ng mga malalaking torneong local at international.
Sa tulong ng ating mga pinipitagang kaibigan sa pamahalaan at pribadong sektor ay tiyak na matutupad ang ating pangarap na posibleng maitayo sa Clark ,Subic o iba pang istratehikong lugar sa Kamaynilaan," pahayag ni dating volleyball player Suzara sa panayam.
"Mabuti na lang at optimistiko rin sa kanyang pagsuporta ang ating sports godfather MVP (Manny V.Pangilinan) at iba pa mula private sector sa ating adbokasiya sa làrangan ng volleyball dito sa Pilipinas".
Ipinagpapasalamat din niya ang agapay ng Philippine Sports Commission sa panig ng pamahalaan at Philippine Olympic Committee sa pribado at ang pagpapagamit ng AKARI sa gusali nito para sa tanggapan ng PNVP at AVC na nasa Bonifacio Global City ( BGC).
"Nais din ni MVP na magkaroon ng sariling bahay ang GILAS Pilipinas sa basketball katabi ang ALAS Plipinas sa volleyball at ang pinakaposibilidad na venue ay nasa malapit sa National Academy of Sports( NAS) na nasa New Clark City sa Tarlac.
PNVF & AVC PREXY TATS SUZARA
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato