Women participation in Olympics at mga Pilipinang Olympic medalists
NOONG 1900 unang sumali ang mga kababaihan sa Olympic Games.
SPORTS
Atty. Ariel Inton
8/23/20241 min read


NOONG 1900 unang sumali ang mga kababaihan sa Olympic Games.
Si Helene de Pourtales ng Switzerland ang unang nag compete sa sailing event at si Charlotte Cooper ng Britain ang unang gold medalist na babae sa tennis.
Noon ay tennis at golf lang puede ang babae sa individual competition, 22 lang na atletang babae kasali sa 1900 Olympics. Noong 1904 ay pinayagan na rin ang babae sa archery competition. Pagkatapos ay dumami na ito hanggang sa Paris 2024. Sa 10,500 na atletang kasali ay 5,250 ang babae at 5,250 ang lalaki. Ibig sabihin ay equal na ang gender participation sa Olympics.
Ang Pilipinas ang unang Southeast Asian country na sumali sa Olympics noong 1924 sa Paris. Ang mga sumusunod ang mga Pilipinang atleta na nagwagi ng medalya sa Olympics.
Hidilyn Diaz . Gold medal sa weightlifting 2020 Tokyo Olympics at Silver medalist sa 2016 Rio de Janeiro Brazil Nesthy Petecio silver sa boxing 2020 at bronze 2024. Aira Villegas bronze sa boxing sa 2024.
Sa 2028 Olympics ay inaasahan natin na mas maraming atletang Pilipina ang makaka-qualify sa Olympics at hindi malayo na mag-uwi sila ng medalya para sa Pilipinas. Ang mga babaeng boxers, weightlifters at golfers ay kailangan ng suporta upang makamit nila ang karangalan sa Olympics.
ABANGAN!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato