WOPSY ZAMORA NG LBP 2025 GILAS AWARDEE

BILANG bahagi ng selebrasyon para sa anibersaryo ng GILAS News, nagkaloob ang editorial board ng kaukulang rekognisyon sa mga natatangi at piling indibidwal na nag-ambag ng makabuluhang aspeto sa larangang kanilang kinabibilangan sa pamayanan, politika,showbiz. sining, socio sibiko ,SPORTS at iba pa.

SPORTS

6/3/20251 min read

BILANG bahagi ng selebrasyon para sa anibersaryo ng GILAS News Organization, nagkaloob ang editorial board ng kaukulang rekognisyon sa mga natatangi at piling indibidwal na nag-ambag ng makabuluhang aspeto sa larangang kanilang kinabibilangan sa pamayanan, politika,showbiz. sining, socio sibiko ,SPORTS at iba pa para sa bayan.

Si businessman / sportsman Wopsy ‘Amigo’ Zamora ay kabilang sa mga natatangi sa naturang pagkilala sa GILAS Parangal 2025 dahil sa kanyang komprehensibong adbokasiya sa pagpapaunlad ng larangan ng baseball sa bansa.

Si Wopsy ang siyang nagtatag ng Liga Baseball Philippines( LBP) . unang state-of- the-art professional baseball league sa Pilipinas na naging oportunidad para sa mga manlalaro bilang susunod na bahagdan matapos ang kanilang collegiate baseball stints. Nakatutulong din ang LBP sa aspeto ng kabuhayan ng players mula sa naturang play-for- pay league.

Kasalukuyang team manager si Zamora ng UAAP multi baseball ( men’s) champion National University ( NU) Bulldogs, one title plus back-to-back and counting.

“Makabuluhan at marapat na tularan ang adbokasiya ni Wopsy (Zamora) sa larangan ng negosyo ,sining, kultura at sports.Kaya unanimous ang ating editorial board na gawaran siya ng espesyal na pagkilala sa kanyang adhikain. Tunay siyang AMIGO ng bayan’, sambit ni Gilas editor-in - chief at kolumnista ng TONITE Police Files Danny Simon.

Gilas awardee/LBP founder Wopsy Zamora